Chapter Nine

626 14 0
                                    

Intrams

Makukulay na mga banderitas ang sumalubong sa paningin ko pagpasok ng campus ngayong araw. Maraming nakakalat na booths na inihanda ng bawat clubs na may iba't ibang pakulo. The whole place radiates happiness and positive vibes.

May magaganap parade ngayong umaga ang lahat ng estudyante kasama na ang faculty and staff ng school para sa official opening ng Highschool Intramurals. Madami akong nakitang athletes na naka suot na ng jersey uniforms since after ng parade ay start nang ball games. Bukas ng gabi ang coronation Mr and Ms Intrams at sa last day ay may rides na inupahan ang student council gaya ng Ferris wheel at Caterpillar na pwedeng i'enjoy ng lahat. May battle of the bands naman sa huling gabi na magsisilbing fund raising ng school.

Inayos ko ang yellow shirt na suot ko na may naka print na design na unique per section. Naka tuck in ang tshirt ko sa high waisted jeans paired with white rubber shoes. I styled my hair in a messy bun dahil mainit mamaya sa parade kaya siguradong pagpapawisan ako. Naka backpack din ako complete with umbrella, wayfarers, bottled water and towel sa loob.

Mabuti na ang handa palagi.

I texted my friends kung asan na sila habang naglalakad ako papunta ng classroom kung saan ang meeting place ng section namin.

To Amer, Jenny, Alyssa
Beks, wer na u? Skul naq.

Agad nagreply si Jenny na andoon na daw sila sa room at nagsisimula nang mag prepare. Habang paakyat ako ng hagdan ay nakasalubong ko si Brent na naka suot ng basketball uniform.

Lakas din talaga ng dating nitong si Paraiso.

"Hi Brad!" masayang bati niya sa akin saka nakipag apir.

Brad ang tawagan naming dalawa kasi astig daw ako. Under daw kasi sa akin ang best friend niya.

"Pogi natin ngayon Brad ah!" pambobola ko.

Natawa naman siya, "sinasabi ko na nga ba at ako ang totoo mong crush."

I giggled. "Parehas talaga ang signal niyo ni Ricci noh? Lakas ng hangin."

Humalakhak siya ng malakas. Ang good vibes lang talaga kausap ni Brent kaya kasundo siya nila Amer dahil parehas maloloko. Kapag magkakasama kami ay puros tawanan at biruan lang ang nangyayari.

Nagpaalam na ako kay Brent, "Una na ako ha. Aayusan pa kasi namin si Alyssa."

"Pakisabi sa kanya good luck!" at sumaludo naman siya sa akin bago nagpatuloy na sa pagbaba.

Pagpasok ko ng classroom ay nakabihis na si Alyssa ng yellow crop top at white mini skirt na mas nagpalitaw sa kaputian niya. Nakasuot na din siya ng white rubber shoes at naka ponytail ang buhok na kinulot sa dulo.

Siya ang napiling muse ng section namin na lalaban sa Miss Intrams para ma overcome niya ang pagiging mahiyain at ma expose ang chinita beauty niya. Wala siyang choice dahil hindi puwede si Jenny kasi nanalo na ito last year ng Miss Intram. Samantalang ako naman ay may restriction ang modeling agency ko na bawal sumali ng pageants habang naka kontrata ako sa kanila.

Sa lalaki naman ay napagkasunduang si Kevin ang lalaban sa Mr Intrams dahil matangkad ito, matalino at pinaka gwapo sa section namin. Suki na din ito sa pageant kaya maaalalayan niya si Alyssa. Nakasuot naman siya ng fatigue uniform na pang airsoft.

"OMG beks! Ang ganda mo." masayang papuri ko ng matapos naming ayusan si Alyssa. Mas lalong na'emphasize ang chinita features niya sa no make-up make-up look na siyang natutunan ko sa make up artist ng agency ni Tita Meg.

Walk with MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon