Adi's POV
"Where are you, babe?"
Bungad na tanong ni Ricci sa akin nang sinagot ko ang kanina pa nagriring na cellphone.
"Andito pa sa condo ni Amer. Why?" I answered while fixing my eyebrows infront of the vanity mirror.
Kakatapos ko lang maligo at naghahanda na para sa pag alis mayamaya. Kagabi kasi ay nag sleep over kaming girls dito sa condo ni Amer at nag movie marathon ng Korean drama na kinakaadikan nina Camille at Jenny. Napagkasunduan din namin na sabay sabay na ding manonood ng basketball game mamayang tanghali.
"Anong oras kayo pupunta ng Araneta?"
"Around 11 na siguro. We'll eat muna before going there." nangingiting sagot ko. "Di'ba 12:30 pa naman game niyo?"
I heared him sighed loudly on the other line. Mukhang hindi mapakali ang isang ito ah. I suddenly wanted to immediately go to him wherever he is to hug and kiss him. Namimiss ko na siya kaagad kahit magkasama palang kami kahapon ng umaga.
"But I want to see you before the game." He whispered.
I laughed. "Makikita mo naman ako kapag nag warm up na kayo. Nasa may courtside binigay mong ticket sa akin di'ba?"
He sighed again. "Puntahan mo ako sa dug out mamaya. Please."
Napangiti ako dahil naiimagine ko ang pacute na mukha ng boyfriend ko habang nagmamakaawa. Ang sarap lang kagatin ng ilong at lamutakin ang pisngi.
"Ok. Sabihan ko nalang tuloy sila na agahan namin." I said to indulge in his bidding.
"Thank you babe. I love you."
Halos ramdam ko ang tuwa niya dahil sa positibong sagot ko. I bet he is smiling widely on the other line.
"I love you too." I said sweetly before hanging up the phone.
Napabuntunghininga nalang ako pagkatapos ng tawag. Kahit kasi hindi sabihin ni Ricci ay alam ko na kinakabahan siya sa magaganap na laro mamaya. Today is the opening of UAAP Season 82. My boyfriend will play again in the UAAP after 638 days. And today, he will wear the UP Fighting Maroons uniform. Nakakapanibago dahil nasanay ako dati na kulay berde ang suot niyang uniporme. But I know he will do great this season. He really prepared for this one and he deserves to play again infront of thousands of people who love the sport.
"Asan na sila beks?" tanong ni Alyssa na kakalabas lang sa shower room.
"Nasa sala ata. Bihis kana." sagot ko. "Okay lang ba ang outfit ko beks?"
Tumango siya at nag thumbs up. "Keri na yan. Saka madaming tao mamaya kaya tama lang na naka pants ka."
I'm wearing tattered jeans and plain maroon V-neck shirt. Flat strappy sandals lang din ang sapin ko sa paa para kumportable.
"Mukhang sobrang daming tao nga ata mamaya kahit weekday. Lalo na siguro sa weekend noh?" saad ko habang inaayos sa maliit na bodybag ang dadalhin kong gamit.
After an hour ay umalis na kami sa condo ni Amer. Mabuti at hindi gaanong traffic kaya nakarating kami ng Cubao bago mag alas onse ng umaga. Sa Araneta Center nalang din kami kumain para malapit lang sa venue.
"Beks, puntahan ko muna si Ricci sa dug out nila ha." bulong ko kay Jenny na siyang katabi ko habang naglalakad papasok ng Smart Araneta
Coliseum."Sige. Pakisabi goodluck sa game nila. Reserve nalang kita ng upuan." she answered loudly because the crowd suddenly roared wildly.
"Sige. Mag cheer na muna kayo kay Brent para ganahan."
BINABASA MO ANG
Walk with Me
Fiksi PenggemarNo matter how painful distance can be, not having you in my life would be worse.