Accident
The Green Archers won the Season 79 Men's Basketball Championship and I'm so happy for my boyfriend who really did well in helping the team. I'm really sure that he has a long way to go in the basketball community and I promised myself that I will support him in every step of the way.
"I'm so proud of you baby," sobrang sayang sabi ko kay Ricci nang makababa na kami sa court after ng awarding.
Yumakap siya sa akin ng mahigpit at umiiyak sa sobrang saya dahil sa pagkapanalo. I patted his back and whispered that they really deserve the title.
"Thank you for always supporting me, babe." paos na bulong niya bago ako pinakawalan dahil may humila sa kanyang isang reporter.
"Brad!" masayang tawag sa akin ni Brent nang makita ako kahit namumula ang mukha niya dahil sa pag iyak.
Mahigpit ko din siyang niyakap at binati dahil sobrang galing niya din kanina.
"Congrats Brad! You were amazing kanina," nakangiting puri ko na ikinapula ng mukha niya.
"Salamat. Picture tayo, inggitin natin sila Amer." nakangisi niyang kinuha ang phone ko para makapag selfie kami.
We did wacky pose na agad ko namang sinend sa group chat namin nila Amer. Tiyak na maiingit ang mga kaibigan namin na nanonood sa TV ngayon.
We celebrate their victory in a private lounge of a famous restaurant around BGC. Kasama namin ang buong pamilya Rivero at Paraiso. Nagpaalam ang boys na sasaglit daw sila sa bar na nirentahan ng GA para sa victory party. Inalok ako nila na sumama pero hindi pumayag si Tita Abi dahil baka mapagalitan daw ako ni Mama kapag nalaman na pumasok ako ng bar. Nag remind na lang ako kay Ricci na 'wag iinom ng madami dahil magsisimba pa kami bukas ng umaga.
Kinabukasan ay nag attend kami ng Church Service para magpasalamat sa blessings na ibinigay sa aming lahat at sa pagkapanalo ng GA sa championship. What I really love about my man is that he has a strong faith in God and he really knows how to be greatful for all the blessings he received.
Naging abala na ulit kami sa mga sumunod na araw dahil may periodical exam muna bago magsimula ang Christmas break. Kailangan din mag catch up ni Ricci sa mga subjects niya na medyo behind siya dahil sa UAAP at may final exams din siya na kailangang i'take.
Kakatapos lang ng last exam ko nang biglang sumulpot si Ma'am Abi sa classroom.
"Adi, can I talk to you for a second?" bakas ang pag aalala sa mukha niya.
Bigla akong kinabahan dahil sa tono ng boses ni Ma'am. Kanina pa ako hindi talaga mapakali dahil parang sobrang kinakabahan ako at alam kong hindi iyon dahil sa exam.
"B-bakit po Miss?" nauutal na tanong ko. My hands are shaking because of nervousness.
"Tumawag ang Mama mo kanina, you need to go home immediately daw," malungkot na sabi ni Ma'am. "Nasa parking lot na ang sundo mo."
Napaawang ang bibig ko at kung anu anong scenario na ang pumapasok sa isipan ko.
"W-what happened Miss?" nagpapanic na usisa ko.
"I don't know Adi," apologetic siyang umiling at hinawakan na ang braso ko para hilahin pagbaba ng hagdan. "But you're Mom was crying when she called."
Nanlulumo akong naglakad nang mas mabilis patungo sa parking lot. Dalidali akong sumakay ng kotse at nagpasalamat kay Ma'am Abi sa paghatid sa akin.
"Manong pakibilisan po please," naiiyak na pakiusap ko sa driver para makarating agad ako sa bahay.
"Suot mo ang seatbelt mo hija at medyo bibilisan ko ang takbo nitong sasakyan," naaawang sabi sa akin ni manong.
BINABASA MO ANG
Walk with Me
Hayran KurguNo matter how painful distance can be, not having you in my life would be worse.