Pathetic
"Whoah! At last!" malakas na sigawan ng barkada pagdating namin sa puwesto nila.
"Mukhang bagong gising lang kayong dalawa ah!" tudyo ni Brent.
"Akala namin hindi na kayo dadating." sabi ni Kuya Prince na mukhang napadami na ang inom dahil mapula na ang mukha.
"Na'traffic lang kami." naiiling na sagot ng boyfriend ko na inalalayan na ako papunta sa bakanteng couch sa gilid.
Masayang sinugod ako ng yakap nina Jenny at Alyssa kaya nabitawan ko ang kamay ni Ricci.
"I miss you beks!" nanggigil akong niyakap ni Jenny.
"Ang daya mo ha! Si Amer lang ang sinabihan mo na uuwi ka." kunwari'y nagtatampong sabi ni Alyssa bago bumeso sa akin.
"Busy kasi kayo sa lovelife kaya hindi ko na inistorbo." nakangiting sagot ko at sumulyap sa mga boyfriend nila na kasalukuyan nang inaabutan si Ricci ng beer.
"Yeah! I'm the only one who is always available." mataray na lintaya ni Amer.
"Wala ka kasing lovelife!" Jenny laughed loudly at Amer's drama. "Ihanap kana namin?"
"Tseh!" sikmat ni Amer na umani ng tawanan mula sa aming tatlo. "Kapag ako nagka lovelife, who you kayo sa akin!"
Hindi pa din talaga kami nagbabago. Puro asaran pa rin kapag magkakasama kaming apat.
"I miss you mga beks!" madamdamin kong niyakap silang tatlo.
"We miss you too!" they said simultaneously.
I'm so blessed to have a friends like them. Na kahit medyo matagal ko silang hindi nakasama ay hindi nababawasan ang closeness namin. The kind of friendship that I know will last a lifetime.
"Girls, andito na yung wine na order niyo!" tawag sa amin ni Kuya Prince kaya natigil kaming apat sa dramahan.
Tumabi na ang dalawa sa mga boyfriend nila habang si Amer naman ay nakigulo na sa usapan nila Brent. Umupo naman ako sa tabi ni Ricci na busy sa pakikipag usap sa pinsan ko.
"Kuya, where's Camille?" tanong ko sa kanya dahil expected ko na kasama namin ang girlfriend niya ngayon.
Namiss ko din kasi ang babaeng yun na same wavelength din nila Jenny.
"Nasa duty pa sa ospital." sagot niya sabay sulyap sa wristwatch. "Susunduin ko mamayang eleven."
I nodded then gave my attention to Jenny who is now opening the wine they've ordered. Siya kasi ang katabi ko sa kabilang gilid. Mukhang ayaw mag lasing ng mga kaibigan ko dahil Chamdor lang ang iinumin.
"Beks oh!" abot sa akin ng isang kopita. "We won't get drunk tonight."
I smiled knowingly at her. "Got scolded by your boyfriend, huh?"
Natatawang pinalo niya ako sa balikat at sumulyap sa boyfriend.
"Hindi noh! May family gathering sila Jared bukas. Isasama ako." masayang bulong ni Jenny.
Nakangiting nagtoast kami dahil mukhang seryosohan na nga talaga ang relasyon ng mga kaibigan ko. I'm happy for them and I'm glad they've finally met the one who will take care and love them seriously.
"Grabe na naman ang trip ng boys." biglang sabi ni Alyssa na umupo sa kabilang tabi ni Jenny.
Napansin kong nakipagpalitan siya ng upuan kay Jared na lumipat naman sa tabi nila Brent. Parang kung anu ano na namang kalokohan ang pinag uusapan nila base sa malakas na tawanan. Si Amer ay nakikipagsabayan din sa trip ng mga lalaki.
BINABASA MO ANG
Walk with Me
FanfictionNo matter how painful distance can be, not having you in my life would be worse.