Dream
"Hello Paris!" masayang sigaw ni Dennise paglapag palang ng eroplanong sinasakyan namin sa Charles de Gaulle Airport.
Natatawang tiningnan lang namin siya na sobra sobra ang energy kahit after almost twenty nine hours flight. We took a connecting flight dahil sobrang mahal ng ticket kung direktang Sydney to Paris ang bibilhin. So, ang sinuggest ng travel agency is from Sydney to Singapore which is almost 9hours flight. Then we need to wait for 6 hours at the airport for Singapore to Paris flight which is another 14 hours. Sa Singapore na din kami nagkita ni Ricci na bumyahe naman galing Pilipinas. Alas tres na ng hapon ng makalapag ang eroplano dito sa Paris kaya nanibago ako sa weather dahil sobrang init dito compared sa Australia na umuulan naman ng niyebe.
"I'm so tired baby," reklamo ko kay Ricci nang palabas na kami sa arrival area.
My head is throbbing painfully because of the long and tiring flight plus the sudden change of temperature. Naka akbay si Ricci sa akin habang parehas naming hila ang mga maleta. Nasa unahan namin sina Dennise at Jason kasama ang sundo na tour guide galing sa travel agency.
"Pahinga na lang muna tayo sa hotel pagdating," malambing niyang sabi habang inaalalayan ako papasok ng kotse bago ilinagay ang mga maleta namin sa likod.
"Bonjour, Madame!" nakangiting bati sa akin ng driver pagsakay ko ng kotse.
"Bonjour, Monsieur!" I greeted back.
Habang nasa biyahe kami ay inoorient na kami ng tour guide namin para sa itinerary kinabukasan. Nagbigay din siya ng tips kung ano ang dapat naming suotin at dalhin para comfortable daw ang pakiramdam namin habang nasa tour.
"Just wear light clothes for tomorrow because it's really hot in here during summer." paalala sa amin ni Anton.
He is a tall middle aged guy with a very warm personality. Sobrang daldal niya na halos buong biyahe papunta ng hotel ay siya lang ang nagsasalita at si Dennise. Nakayukyok lang ako sa balikat ni Ricci na nakayakap naman sa akin at tahimik na nakikinig sa usapan ng dalawa. Si Jason naman ay tahimik lang din na nakayakap sa girlfriend niya.
I really wanted to sleep in a comfortable bed to recharge. Na drain ang energy ko sa haba ng biyahe at tinamaan na ako ng jetlag. Hindi ko tuloy maappreciate ang city lights at buildings na dinadaanan namin dahil sa sakit ng ulo.
"Au revoir! See you tomorrow!" kaway sa amin ni Anton habang papasok na kami ng elevator dito sa hotel.
Nginitian lang namin siya at tahimik na kumaway.
"Merci bien Anton!" nakangiting kaway ni Dennise bago sumara ang elevator.
"Den, dont wait for us later. We might just call for a room service for dinner." pagod na sabi ko kay Dennise habang lulan kami ng elevator papunta sa room namin sa fifth floor nitong hotel.
"Okay Dee, rest well okay. We have a long day tomorrow." paalala niya sa akin.
Tumango lang ako at nginitian sila ni Jason bago kami lumabas ni Ricci pagdating sa floor namin. Nasa seventh floor pa kasi ang room ng dalawa.
"Babe, magbihis ka muna para deretso na ang pahinga mo." saway sa akin ni Ricci nang akma akong hihiga sa kama pagpasok palang ng kwarto.
Mabilis naman akong pumunta ng banyo at naghagilap ng bathrobe para iyon nalang ang isuot dahil tinatamad akong magbukas ng maleta.
Paglabas ko ay nakaboxers na lang din si Ricci at nakahiga na sa kama. Mukhang pagod din ang boyfriend ko kaya humiga na din ako sa tabi niya at yumakap para matulog.
BINABASA MO ANG
Walk with Me
FanfictionNo matter how painful distance can be, not having you in my life would be worse.