Adi's POV
"You have a photoshoot and ramp for the Fashion Week in Malaysia on May 27 and 28. There will be a welcome dinner on twenty sixth that you are required to attend." paalala sa akin ni Tito Rick pagkatapos kong bumeso sa kanya at bumati sa ilang kasama. "Then you will be in Singapore on the third week of June."
"Yes Tito. Tita Meg already told me about it. I already booked a flight to Malaysia for tomorrow. I want to explore the city and rest for at least two days before the event." nakangiting sagot ko bago nagpaalam saglit dahil kinakawayan ako ni Denisse para bumalik sa table namin.
Pagkatapos kasi ng final exam ay umuwi muna ako dito sa Australia dahil may naka line up akong shoot para sa isang commercial. My parents also wanted me to celebrate my birthday here. Kaninang tanghali ay may lunch birthday celebration na inihanda sa akin sila Papa sa restaurant namin. Then my friends suprised me with a pool party in a hotel rooftop tonight. Sobrang saya ko dahil pumunta ang ilang close kong models sa agency at ilang classmates ko noong senior highschool.
Medyo high na ang ambiance ng party dahil halos bumaha ng alak at malakas na tugtog ang buong lugar. Ganito ang party na gustong gusto nila Jace kaya hindi na ako nagtaka na ito ang naisip nilang ihanda ngayong kaarawan ko. My friends were all in their bikinis and swimming trunks which is just a normal scene here in Sydney. Walwal kung walwal talaga kung magparty ang mga tao dito. I suddenly remember my friends in the Philippines. For sure Amer and Jenny will really like this crowd.
"R-Ricci's been c-calling you for nth t-times!" medyo slurred na sabi ni Denisse habang tinuturo sa akin ang cellphone ko na naiwan ko pala sa table namin.
"Slow down, Den. You're drunk already." naiiling na saway ko dahil halos matumba na siya habang naglalakad na papunta sa swimming pool.
Hinanap ko agad ang earphones ko sa pouch bago sinagot ang tawag ng boyfriend ko. Baka kasi hindi kami magkarinigan dahil sa ingay.
"Hi baby!" nakangiting bati ko nang bumungad na ang mukha niya sa screen. "I miss you."
"I miss you too. Where are you babe?" nakakunot noong tanong ni Ricci dahil kita yata sa background ko ang ilaw ng strobe lights.
"Nasa pool party ako 'bby. Bigla na lang akong kinaladkad dito nila Denisse kanina." paliwanag ko habang pinapakita sa kanya ang itsura ng buong lugar. "They throw a pool party for my birthday."
"Mukhang lasing na ang mga kaibigan mo ah." natatawang puna ni Ricci nang makita sila Kyle na nagwawater fight sa swimming pool.
Napahalakhak ako dahil halos malunod si Maddison nang mahulog habang nakasakay sa leeg ni Ethan.
"Kaya nga. I'm not drinking anymore para mabantayan sila. Plus, I'm also entertaining my other guests pa."
Nagkwentuhan kami ni Ricci tungkol sa mga nagyari sa amin ngayong araw. He already greeted me this morning when we were waiting for the clock to strike twelve. Naging hobby na namin na salubungin ang birthday ng bawat isa.
"I'll sleep na din mayamaya. Maaga pa ang game namin bukas." humihikab na imporma niya sa akin.
He will represent the country for the FIBA3x3 Asia. Nasa China siya ngayon kasama ang ilang taga Gilas. Buti na lang at two hours lang ang time difference ng Australia sa China kaya hindi mahirap na makapag usap kami.
"Goodluck sa laro niyo. I know you will do good with the team." I beamed proudly.
"Thank you babe. Sayang at hindi tayo magkasama ngayong birthday mo pati na sa birthday ko." he said sadly.
BINABASA MO ANG
Walk with Me
FanfictionNo matter how painful distance can be, not having you in my life would be worse.