Chapter Four

773 11 0
                                    

Take out

Malakas na ring ng telepono ang gumising sa akin ngayong sabado ng umaga. Inaantok pang inabot ko ang cellphone na nasa bedside table at sinagot nang hindi tinitingnan kung sino ang istorbong caller.

"Hello?" antok na antok pang sagot ko sa tawag.

"Good morning sleepy head." a husky bedroom voice greeted me.

Napadilat ako ng makilala ang boses ng kausap ko. "R-ricci?" paniniguro ko.

Shit! Binigay ko nga pala sa kanya ang number ko kahapon habang sakay kami ng bus.

His manly laugh echoed on the other line. "Ako nga. Bangon na dyan. Di'ba may practice pa kayo sa music club ngayong umaga?"

Tumingin ako sa wall clock na nakasabit sa harap ng kama. It's already eight in the morning and I'm still sleepy. Nine thirty ang call time namin sa music club kaya may oras pa naman ako para mag prepare. Medyo napuyat kasi ako kagabi dahil ka chat ko sa messenger ang mga kaibigan ko sa Australia.

"Babangon na ako after ten minutes." hirit ko saka pumikit ulit.

"Okay. Just make sure na di na lalagpas sa ten minutes ang lambingan niyo ng kama mo kundi malilate ka." paalala niya. "I'll wait for you here in the campus."

"Nasa school ka na? Ang aga mo naman." tanong ko habang unti unti ng nawawala ang antok.

Natawa siya ulit, "Six o'clock training namin every Saturday. Until nine am kami dito sa forum. Kaya sasamahan kita sa music club."

Tuluyan na akong iniwan ng antok kaya bumangon na din ako. "Ay naku, huwag na. Uwi ka na para magkapag rest ka." tanggi ko habang kinukuha ang bath towel para makaligo na.

"Hindi naman ako pagod. Nag shooting lang naman kami. Basta I'll wait for you." kulit ni Ricci.

"Bahala ka na nga. Ligo na'ko," paalam ko saka mabilis na pumasok ng bathroom.

"Bye! See you later Dee." masayang sabi niya saka naputol na ang linya.

Habang nakasakay ako ng kotse papuntang school nang naalala ko ang nangyari kahapon nang maabutan kami ni Ricci pagkatapos ng practice game nila.

"Sige" pagpayag ko sa alok ni Ricci na sabay na kaming umuwi.

Napansin kong panay ang senyas sa akin ni Amer at Jenny. Nakuha ko naman ang ibig nilang sabihin kaya nahihiyang ipinakilala ko sila. Sa Lunes ko na lang ikkwento sa kanila ang tungkol kay Ricci.

"Mga kaibigan ko nga pala sina Amer, Jenny at Alyssa." pakilala ko sa tatlo. Nahihiya naman silang kumaway at pasekreto pa akong kinurot sa tagiliran ni Amer.

Nginitian naman ni Ricci ang mga kaibigan ko. "Nice meeting you all. I'm Ricci. Friend din ni Adi."

Pagkatapos ay tahimik lang kami na naglalakad papunta ng gate. Naririnig ko pa ang mahinang usapan nina Amer at Jenny sa likuran. Napapagitnaan ako ni Ricci at Alyssa habang naglalakad. Mangilan ngilan na lang ang mga estudyanteng kasabay namin palabas ng school.

"Bye guys! See you on Monday." bineso kaming tatlo ni Amer saka kinawayan si Ricci ng makalabas kami ng campus. "Ingat kayo." paalam niya bago tumawid ng kalsada para sumakay ng tricycle pauwi sa kanila.

Walk with MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon