Chapter Seven

614 12 0
                                    

VIP

Opening nang inter highschool basketball tournament ngayong araw kaya sobrang dami ng tao galing sa iba't ibang schools ng buong Isabela ang pupunta dito sa school. Kami ang host ngayong taon kaya pinaghandaan taalga ito ng aming school administration.

Alas singko pa lang ng umaga ay nandito na ako sa loob ng campus dahil six o'clock ang alis ng school bus. Unfortunately ay ngayong araw din ang anniversary ng charity institution na nag invite para tumugtog ang music club. Sayang talaga dahil hindi kami makakanood ng parade ng mga basketball players mamayang alas otso. Masaya daw iyon sabi ni Ate Rixie dahil may mascot ang bawat team. Pero ang sabi naman ni Ma'am Cruz ay huwag kaming mag alala dahil makakaabot pa naman kami sa first game mamayang hapon. Sana lang ay hindi madelay ang program para makaabot pa talaga kami sa opening.

Katabi ko sa upuan ng bus si Ate Rexie na busy sa pagsaulo ng kakantahin niyang piece mamaya. Habang halos lahat naman ng club members ay umiidlip muna dahil almost one hour pa ang biyahe papunta sa compound ng charity institution. Ako naman ay heto busy kakareply sa makulit kong textmate.

To Ricci
Aalis na ang bus. Idlip lang din muna aq sa byahe.

From Ricci
Bsta habol ka maya sa game ha.
Icheer mo aq.

To Ricci
Oo nga. Kulit tlga.
Magprepare kna po.

From Ricci
Opo. Lv u babe.

Napangiti ako dahil may pa I love you na naman si mayor. Hindi na lang ako nagreply at itinago na sa bag ang cellphone ko saka hinilig ang ulo sa may bintana ng bus. One month nang nanliligaw sa akin si Ricci at sa loob ng panahon na yun ay nakilala ko na din ang ugali niya.

I can say na seryoso siya kapag kaharap ang ibang tao pero kapag naging malapit na kayo ay lumalabas ang kakulitan niya. Gentleman at malambing na parang bata pero sobrang seloso si Ricci. Nakapunta na din siya sa bahay dahil nagpaalam siya kila Mama na manliligaw sa akin. Gustong gusto naman siya ng grandparents ko at parang gusto na nga siyang ampunin kapalit ni Kuya Xavier.

Nagsimba kaming buong pamilya kaninang umaga na routine na namin every Sunday. Pagkatapos ng pananghalian ay nakatulog ako at nagising ng alas kwatro na ng hapon. Sobrang nagulat talaga ako nang mabungaran ko si Ricci pagbaba ng hagdan at seryosong kausap sina Lolo at Kuya Xavier.

Ang pinsan ko ang unang nakakita sa akin, "oh gising na pala si Adi!" at nakakaloko siyang kumindat sa akin.

Napalingon sina Lolo at Ricci sa akin kaya mabilis akong lumapit sa kanila.

"Anong ginagawa mo dito?" nagtatakang tanong ko kay Ricci.

"Aakyat daw siya ng ligaw sa iyo apo," nanunuksong sagot ni Lolo at hinawakan ang kamay ko.

"Po?" Namilog ang mga mata ko.

Biglang tumawa naman ng malakas ang ugok kong pinsan kaya sinamaan ko siya ng tingin.

"Magpapaalam sana ako sa family mo na manliligaw ako," nahihiyang sabi ni Ricci sabay abot sa akin ng bulaklak na dala niya. "For you nga pala."

"Salamat. 'Di mo sakin sinabi na pupunta ka ngayong araw." nakairap na sita ko sa kanya.

"Sinabi ko kay Xavier na pupunta ako ngayong hapon," kumakamot ng batok na paliwanag niya. "sabi niya 'wag ko daw ipaalam sa'yo para mabigla ka." Hindi nakaligtas sa akin ang pilyong kislap ng kanyang mga mata.

Walk with MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon