Chapter Nineteen

508 13 1
                                    

Kiss

"I want to talk about your plan." mahinang saad ko habang mahigpit na hawak ang kamay niya.

Umupo si Ricci sa tabi ko at tinitigan ako sa mga mata. I saw uncertainty, fear and sadness in his beautiful brown eyes.

"Is it about college?" mahinang tanong niya.

I nodded, "Saan ka mag aaral ng college?"

He sighed heavily and squeeze my hands. "May offer sa akin ang La Salle para maging part ng Green Archers."

"That's great 'bby," pilit akong ngumiti sa kanya kahit naiiyak na agad ako.

Umayos ka Adrielle, hindi ka weak!

Tinitigan niya ako nang matagal na wari'y tinatanto ang laman ng isipan ko. "But I don't want to be away from you babe."

"We're talking about your dreams baby," I started giving him my thoughts about this thing. "Di'ba pangarap mo na makapasok sa malaking university sa Manila, makapaglaro sa UAAP at maging sikat na basketball player?"

Thankfully, his just listening attentively to what I'm saying so I continued.

"We are too young to prioritize this relationship over our dreams. H-hindi nga natin alam kung tayo talagang dalawa ang nakatadhana," pumipiyok ang boses na dugtong ko. "I love you so much and I don't want to stop you from reaching your dreams baby."

He hugged me tightly, "don't say that. You're the one for me babe."

Tuluyan na akong napaiyak sa sinabi niya. How can he be so sure that we are the one destined to be together? Tumango tango ako saka kumalas na sa yakap niya para mas maging maayos ang pag uusap namin.

"Please 'bby, huwag mong palagpasin ang magandang offer sayo dahil lang sa akin. Malapit lang naman ang Manila." kumbinsi ko sa kanya. "Kapag may shoot or ramp ako pwede kitang puntahan pagkatapos. Or kapag walang pasok o holiday ay pwede kang umuwi dito."

He sighed heavily, "If that's what you want. But promise me na we will call and text each other everyday kapag andoon na ako."

I smiled at him, "Oo naman. Naka plan kaya ako."

"Sige, payag na ako tutal one year man lang na magkalayo tayo. We can ask your parents if pwedeng sa Manila kana din mag college next year."

Natigilan ako sa sinabi ni Ricci. I don't think papayag sila Mama na maiwan ako dito sa Pilipinas kahit pa sabihing sa Manila din mag aaral si Kuya Xavier.

"Pwede naman yun babe di'ba?" hopeful na tanong niya sa akin.

Tumango ako. "I-i'll try to convince them 'bby."

"I'll help you in convincing them. I promise to take care of you there." he said full of enthusiasm.

"Okay. Just be a good boy para approve ka lagi sa parents ko."

There's no harm in trying naman. I don't want to think about negative things right now. I'll just cross the bridge when I get there.

"Ikaw ang magpaka good girl para lagi akong good boy." saka siya kumindat sa akin na ikinalabi ko.

Pinisil niya ang ilong kaya pinisil ko din ang labi niya para magpout. Saka ko siya hinalikan ng mabilis na ikinatigil niya.

"Tara na nga, movie marathon na tayo!" nakangisi kong sabi at mabilis na tumayo para lumabas ng kusina.

Walk with MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon