Practice Game
Nakasuot ako ng PE uniform ngayong araw ng Biyernes dahil PE day sa school. It is a combination of maroon and white shirt partnered with maroon below the knee shorts. Im also wearing white Keds shoes plus red Lacoste backpack.
Maagang umalis ang pinsan ko sa bahay dahil may pupuntahan daw silang meeting ng student council sa ibang school ngayong umaga. Wala pa si Manong Abner kaya magcocommute ulit ako papuntang school ngayong umaga. Nag aabang ako ng bus sa Centro ng biglang may tumabi sa aking lalaki. Polo blue scent filled my nostrils. Paglingon ko ay nakangiting kulay brown na mga mata ang nabungaran ko.
Ricci Rivero is so tall. Kahit matangkad ako keysa sa karaniwang babae ay abot hanggang balikat lang ang taas ko sa kanya. Nakasuot din siya ng PE uniform, white converse shoes at blue hawk backpack. Pansin ko na maganda siyang magdala ng damit. He can pass as a model at talagang malaking turn on sa akin ang mabangong lalaki.
"Good morning! Commute ka ulit?" he asked.
"Good morning din." nahihiyang bati ko. "oo eh, maagang umalis si kuya tapos walang sasakyan na available sa bahay." dagdag ko para mawala ang awkwardness na nafefeel ko kapag kausap siya.
Nagpatuloy ang kwentuhan namin hanggang sa dumating na ang sasakyan naming bus papuntang school. Naramdaman kong inalalayan niya ako paakyat ng bus habang nakahawak sa likod ng siko ko. Chivalry is not dead pa pala.
"Dito tayo umupo para madaling makababa mamaya," humawak siya sa balikat ko and guided me on the vacant seats near the door. Pinauna niya akong pinaupo sa may tabi ng bintana bago umupo sa tabi ko.
"So, kumusta?" he tried to start a conversation again. "anong club sinalihan mo sa school?"
"Music club." I answered. "ikaw?"
"Sports club." he laughed.
I gigged. Obvious nga naman. He's a basketball player after all. Siyempre sa mga athletes din sya sasama.
Biglang dumaan ang konduktor para maningil ng pamasahe. Hinanap ko sa loob ng bag ang aking wallet para makapagbayad.
"Sa may crossing lang po. Dalawang estudyante," narinig kong sabi ng katabi ko. Ngumiti siya sa akin ng mabasa ang pagtataka sa mukha ko. "libre na kita." sabay kindat sa akin.
"Salamat." nahihiyang sabi ko. "Sa sunod ikaw naman ililibre ko."
Assuming much Dee? At may sunod pa talaga?
"Wala yun. Friends na naman tayo diba?" he inquired.
"Oo naman. Friends na tayo." I smiled at him.
We talked about the school and the tourist spots here in Isabela. I feel at ease talking with him. Mabait naman pala siya at he's also a wide reader like me. Kung anu-ano pang nakakatawang kwento ang nagpausapan namin hanggang sa bumaba na kami sa crossing malapit sa school.
Pinagtitinginan kami ng mga estudyante habang naglalakad papasok sa highschool building. We just ignored their curious expression and lingering stares. Napansin ko din kung gaano kahigpit ang school regarding sa no cellphone policy. Grabe ang security check sa gate at may phone detector pa talaga kaya hindi makakalusot ang mga estudyante.
"Hatid na kita sa room niyo ha." he offered when we reached SAP building.
"Sige. Isang floor lang naman ang pagitan natin," pagpayag ko tutal hindi naman hassle kasi madadaanan niya naman talaga ang room ko before umakyat ng hagdan pataas sa room nila.

BINABASA MO ANG
Walk with Me
FanfictionNo matter how painful distance can be, not having you in my life would be worse.