Truth
"Let's go to a bar later." excited na alok ni Amer sa akin habang hinahatid ko siya palabas sa pintuan ng unit ni Kuya Xavier.
"Tinatamad ako, baks." walang ganang sagot ko.
"Please beks? I'll inform the girls." yugyog niya sa balikat ko.
Napailing na lang ako dahil mukhang adik na ata sa night life ang mga kaibigan ko.
"I'll ask them if gusto nila. Text nalang kita." sabay beso sa kanya nang nakarating na kami sa labas ng unit.
"We should celebrate dahil bati na kayo ni Ricci." patuloy na pangungumbinsi niya pa. "Basta tatawagan kita mamaya ha."
"Oo na. Sasabihan ko sila. " I said while waving at him.
"See you later!" pahabol ni Amer bago tumakbo papasok sa elevator.
Pagpasok ko ulit sa unit ng pinsan ko ay masayang naglalaro ng Xbox sina Kuya Xavier at Brent habang nakasalampak sa lapag. Busy naman sa kanilang cellphone sina Kuya Rasheed at Kuya Prince na nakahilata sa magkabilang sofa.
Lumapit ako sa kanila at naupo sa single seater na sofa sa gilid para sabihin ang gusto ni Amer na gawin mamayang gabi.
I cleared my throat to get their attention.
"Guys, bar daw tayo mamaya?" malakas na sabi ko.
Napalingon naman sila sa akin at bahagyang itinigil ang ginagawa.
"Sure!" masayang sagot ni Brent at kumindat sa akin. "Libre mo kami?"
I giggled while nodding. "Oo ba."
Napa kumpas sa ere si Brent dahil minsan lang talaga ako manlibre. Kaya nakakasundo niya sila Amer dahil parehas mga mahihilig sa lakwatsa at barhopping.
Tinaasan ako ng kilay ni Kuya Xavier saka pinause sandali ang linalaro.
"Wow, Couz! Uhaw lang? Don't tell me walang nightlife sa Sydney?"
I rolled my eyes at him. Akala siguro nito ay party butterfly ako doon. Puro bahay, school at agency lang nga ang gawa ko.
"Meron pero hindi ako mahilig." I spat annoyingly.
"So, bakit mo kami inaaya" he countered. "Wala ka bang jetlag?"
"Nag aaya kasi sila Amer." sagot ko habang tinatanaw si Ricci na kakalabas lang ng CR.
"Okay lang sa akin. Saan daw ba?" sabat ni Kuya Prince na itinago na ang cellphone.
Isa din 'to sa mahilig sa night life eh.
"Maganda sa The Core." suggest ni Kuya Rasheed.
"Yung bagong bukas na bar sa BGC?" Brent inquired.
Pumasok na si Ricci sa sala at tumuon agad ang pansin sa akin. His hair is disheveled and he looks so sleepy.
"Oo bro! Andaming chicks saka relaxing lang ang ambiance." natatawang kwento ni Kuya Rasheed.
"Sige! Doon na lang tayo, Sis. Itext mo na sila Amer." masayang sangayon ni Kuya Prince.
Mabilis na lumapit sa kinauupuan ko si Ricci at nakisiksik sa tabi ko kahit sobrang sikip na.
"What are you talking about?" he asked while holding my waist and in a snap, I'm now sitting on his lap.
"Ano ba 'bby! Nakakahiya sa kanila." namumulang piglas ko dahil nanunudyong nakatingin na sa amin ang apat.
BINABASA MO ANG
Walk with Me
FanficNo matter how painful distance can be, not having you in my life would be worse.