Awkward
Lumipas ang mga araw na ganoon ang routine ng buhay ko. Nakakapag adjust na ako sa school at medyo nakalimutan ko na din ang pagkalito na naramdaman ko dahil sa mga titig ni Ricci. Mas lalo akong naging malapit kila Amer at sila na ang lagi kong kasama. Hindi ko na din nakita ang mga kaibigan ni Kuya Xavier tuwing recess dahil sa student council office madalas na naglalagi ang pinsan ko. Masyado siyang busy sa mga trabaho as SC president dahil may schedule of activities na daw na naka line up na kailangan niyang bigyan ng pansin.
Madalas na din akong magbaon ng snacks para sa nakakalat na students sheds malapit sa soccer field na lang kami kumain dahil nakakainis minsan ang haba ng pila sa cafeteria. Tuwing tanghali naman ay sa labas ng school ako nanananghalian dahil dumadayo kami sa bahay nila Alyssa na walking distance lang mula sa dito school. May karinderya kasi sa tapat ng bahay ang nanay niya at masarap ang mga luto.
"May sinalihan na ba kayong club?" usisa ni Amer habang nakatambay kami sa usual spot na tinatambayan namin dito sa students shed.
Naging paborito ko na din ang lugar na ito dahil presko ang hangin, tahimik at kitang kita ang mga bundok mula sa pwestong ito. Nakaupo kami ngayon sa bench na nasa ilalim ng malaking puno ng narra kaya hindi tumatagos ang sinag ng araw dahil sa mayayabong na sanga nito.
Bumuntunghininga ako. "Wala pa nga eh. Pwede bang wala nalang salihan?"
"Ay beks, hindi pupwede kasi may additional points ang club activities sa grades mo sa ECA. Sayang din yun." paliwanag ni Jenny. "Ako nga nakijoin nalang sa young leaders club. Magpapaka good Samaritan na lang ako para mapansin ako ni Jared."
Sabay sabay kaming natawa dahil parang hindi bagay kay Jenny ang sinalihan niyang club. Sumali lang sya doon kasi inaanyayahan siya ng crush niya na syang president ng club na yun. Nahiya daw syang tumanggi at baka maturn off pa ito sa kanya.
"Gusto ko pa naman sana na sa Sports Club sumali." nakasimangot na dagdag ni Jenny. "Kaso anong magagawa ko. Nasa ibang club ang sinisinta ko."
Pabirong na hinila ni Amer ang buhok ni Jenny. "Yan kasi, inuna pa ang landi!"
"Doon ka nalang kaya sa club namin." anyaya sa akin ni Alyssa. "Kulang pa kami ng member eh."
Umiling ako. "Hindi naman ako kasing genius mo beks. Baka matuyot utak ko sa math club niyo. I hate math! Sinusumpa ko minsan lalo kapag finding X na ang topic. X na nga di'ba bakit hahanapin pa?"
"Lakas lang makahugot beks?" natatawang sabi sakin ni Amer. "Alam ko na, sa amin ka na lang at bagay ka sa performing arts club. Sa ganda mong yan puwede ka sa lead role."
Si Amer kasi ang direktor ng club nila at napanood ko na dati sa video ang ilang performances nila. Sobrang galing ng production kaya nananalo din sila lagi sa ilang drama competition.
"Ayoko baks. Kinakabahan ako pag madaming nanonood na tao sakin. Saka hindi ako matandain sa script." tanggi ko. Gusto ko manood lang ng play pero kung ako ang aarte ay di'ko pinangarap.
Dati ay may gustong kumuha sa akin na maging character sa isang musical play sa Australia pero umayaw ako. Mas gusto ko kasi ang modelling dahil hindi naman kailangan ng script doon. Ngingiti ka lang sa camera at maglalakad ng maayos tapos ay okay na.
"Sa music club na lang siguro ako. Marunong naman akong tumugtog ng instruments." hindi sigurado kong sabi saka tumayo na dahil biglang tumunog na ang bell hudyat na patapos na ang recess.
Pagdating ng hapon ay wala kaming pasok sa lahat ng subjects para mag give way sa club activities at makapag member na din ang mga wala pang napipiling salihan. Naghiwahiwalay kaming apat na magkakaibigan paglabas ng classroom para pumunta sa kanya kanyang club.
BINABASA MO ANG
Walk with Me
FanfictionNo matter how painful distance can be, not having you in my life would be worse.