Epilogue

906 9 0
                                    

Ricci's POV

"Ano ba Brent! Bilisan mo naman." naiinis na sigaw ni Xavier bago nauna nang naglakad palabas ng classroom.

Napailing na lang ako dahil mukhang gutom na talaga ang isang iyon kaya nagmamadali nang bumaba sa cafeteria. Tamad na tumayo na din ako at kinuha ang backpack na nakasabit sa likod ng upuan.

"Iiwan ka talaga namin, Paraiso!" inis na din na sabi ko dahil ambagal talagang kumilos ni Brent kahit kailan. "Sunod ka na lang."

"Eto na nga! Tapos na po." mabilis na isinara niya ang notebook at basta basta lang na ipinasok sa bag. "Grabe talaga si Ma'am Garcia, first day of school may pa lecture agad!"

Brent continued ranting about our terror professor while we are walking towards the cafeteria. May ilan kaming nakakasalubong na bumabati sa amin na tinatanguan ko lang. Kabaliktaran dito sa isa na nakikipag high five pa at nambobola sa ilang babae.

This is our last year in highschool and I can say that we are quiet famous in this school. Parehas kaming varsity player sa basketball ni Brent habang si Xavier naman ang student council president. Magkababata kaming tatlo at halos magkakapatid na ang turingan dahil sabay kaming lumaki at magkaibigan ang mga lolo namin.

"Ang suplado mo talaga, Bro." sita sa akin ni Brent nang tinanguan ko lang ulit ang mga babae na nadaanan namin sa isang mesa.

"Hindi ako kagaya mo. Babaero!" nakangising linagpasan ko na siya para makaupo sa tabi ni Xavier na nagsisimula nang kumain ng snacks.

Habang kumakain kami ay nabigla ako nang may isang babae na humalik sa pisngi ni Xavier.

"Hi, gutom nako." malambing ang boses na sabi ng babae at tumabi na sa kaibigan ko.

Nagkatinginan kami ni Brent nang biglang agawin nito ang kinakain ni Xavier at walang arteng sumubo.

"Hey, that's mine! Buy your own food," natatawang sabi ni Xavier. "gutom na gutom lang? Ayan kasi di kana naman ata nag breakfast."

"Nagmamadali ka kanina diba? You're scolding me na nga kaya I have no time to eat kahit isang bread lang," nakaingos na sabi ng babae.

Nagkulitan pa ang dalawa na akala mo ay sila lang ang tao dito sa cafeteria. They were oblivious with the curious eyes staring at their sweet banters. Umalis saglit si Xavier para umorder ulit ng pagkain. I can't hide my amusement when the girl continued eating ignoring the people around. My breathing hitched when she suddenly look up and our eyes met. Hindi ko maipaliwanag kung bakit biglang bumilis ang tibok ng puso ko.

As if on a trance, I keep on staring at the girl in front of me. She is very beautiful with an upturned nose, wavy brown hair, pouty lips and creamy skin. And as I stare in her soulful gray eyes, I saw a glimpse of my future. Me and her walking happily hand in hand.

What was that?

Gulong tanong ko sa sarili at pinilit na ibalik ang wisyo sa saglit na pagkakatulala.

She's you bestfriend's girlfriend for Christ sake Rivero!

"Guys, this is Adi, my beautiful cousin." natatawang pakilala sa amin ni Xavier pagbalik niya.

Biglang may kung anong nabuhay sa pagkatao ko nang malaman na magpinsan lang pala ang dalawa. That time, I have no idea that she will become an important part of my life. O mas tamang sabihin na, she will become my life.

Walk with MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon