Chapter Fifty One

778 11 0
                                        

Fans

"Baby, saan na tayo?" naalimpungatan na tanong ko kay Ricci na mahinang sumasabay sa kanta habang nagmamaneho.

It's already one o'clock in the afternoon and we are on our way to La Union. Ginising ako ni Ricci pasado ala sais ng umaga para hindi daw kami matraffic masyado palabas ng Maynila. Hindi ko namalayan na tinulugan ko pala siya sa biyahe dahil sobrang antok pa talaga ako kanina. Halos tatlong oras lang kasi kaming nakatulog pagkatapos ng mainit na sandali kaninang madaling araw.

"Malapit na tayo." he answered while giving me a sideway glance. "Are you hungry?"

My stomach growled upon his question. Nag drive thru lang nga pala kami kanina at sa biyahe na kumain ng breakfast para makatipid sa oras.

He laughed when my stomach growled again. "Mukhang gutom na mga ahas mo sa tiyan."

Natatawang hinampas ko siya sa balikat. "Let's eat our lunch 'pag may madaanan tayong resto."

"Okay babe. Baka ako na naman ang kainin mo." he said teasingly. "Hindi pa ako ready."

Namumulang pinaningkitan ko siya ng mga mata. Hindi pa din talaga siya nahihiniran sa panunukso sakin dahil sa kapilyahan na ginawa ko sa kanya kanina habang naliligo.

The thirst is real again Adi?

"As if you didn't enjoyed it." naiinis na sikmat ko.

He chuckled huskily and pinched my nose. "I just can't believe that you did it, babe. Sobrang swerte ko talaga."

"Ewan ko sa'yo." irap ko. "Doon na lang tayo kumain." turo ko sa madadaanan naming seafood restaurant.

"Okay. Your wish is my command." sabay kindat sa akin.

Natatawang napailing na lang ako dahil sobrang landi talaga nitong boyfriend ko.

Magkahawak kamay kaming naglakad papasok sa restaurant na gawa sa kawayan ang dingding at anahaw naman ang bubong. Sobrang presko ng lugar na nasa gilid lang ng dagat at kitang kita naman sa kabila ang kabukiran. Mas nagpaganda dito ang namumulaklak na mga halaman na nasa harapan ng kainan. Medyo malakas ang hangin na sinisayaw ang puting kurtina sa mga bintana. Madami ang kumakain na pawang mga turista at may mga foreigner pa nga akong nakikita. Kahit tapos na ang summer ay mukhang dinadayo pa din ang La Union.

"Naimbag nga aldaw!" masayang bati sa amin ng receptionist pagpasok namin sa loob. "Table for two po?"

Nakangiting tumango ako habang si Ricci naman ay ginagala ang mata sa buong lugar. Iginiya na kami ng receptionist sa pandalawahang mesa katabi ng bintana. Tanaw mula dito ang asul na karagatan na may malakas na alon. Excited na tuloy ako na magtampisaw sa dagat at maglakad sa maputing buhangin.

"This place is so nice." komento ni Ricci nang makaupo na kami. "What do you like to eat?

"Let's try their seafoods?" Pinasadahan ko ng basa ang menu.

Nang makapili ay siya namang pagdating ng waitress para kunin ang order namin. Napaismid ako dahil sobrang lawak ng ngiti ng babae habang nakatitig sa kasama ko. Mukhang hanggang dito ay may nahuhumaling din sa kagwapuhan ng aking boyfriend.

"Ehem!" malakas na tikhim ko dahil natulala na talaga ng tuluyan si Ateng. "Miss?"

Namumulang napabaling sa akin ang pansin ng babae at nahihiyang napayuko.

Walk with MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon