Reason
"Ate! Open up!" sigaw ni Alexa mula sa labas ng kwarto.
Naalimpungatan ako dahil sa malakas na katok sa pintuan ng kwarto ko. The twins are outside my room for I don't know how long because I sleep like a turtle sometimes. Pagod na pagod kasi ako dahil nagpractice kami kahapon para sa graduation na mangyayari na five days from now. Tapos kinagabihan ay isinama ako ni Tita Meg sa launching ng bagong clothing line niya for mens apparel kaya sobrang napuyat ako.
"Bilis na Ate! Tulog mantika ka talaga!" naiinis na boses ni Andrea ang narinig ko habang patamad akong bumabangon.
When I glanced at the digital clock, it's already eleven o'clock in the morning. Kaya pala kumakalam na ang sikmura ko sa gutom.
"What do you want?" naiiritang binuksan ko ang pinto. "Ang aga pa kung makasigaw kayo parang nasunugan tayo!"
"Good morning sleepy head!" Mabilis na itinulak ni Alexa ang pintuan at dirediretsong pumasok sa kwarto ko.
"You need to watch this, Ate" hinigit naman ako ni Andrea pabalik sa kama at pinaupo.
Pinagitnaan ako ng dalawa at binuksan ang dala nilang Ipad. Bumungad sa akin ang interview ni Ricci kagabi sa isang late night talkshow. Ito ata yung sinasabi ni Amer noong isang araw na panoorin ko daw.
"This is the interview of Kuya Ricci in TWBA." imporma ni Alex saka inayos ang pagkakaupo sa kama at sumandig na sa headboard.
Ginaya naman namin siya ni Andi dahil mas kumportable nga naman ang ganitong posisyon. When I played the video, I can't help but commend how Ricci looks so good in the camera. Mukhang may stylist na talagang humahawak sa kanya dahil ibang style ng damit ang suot niya ngayon. Not the usual basketball hottie get up but more on the celebrity style na.
"Ampogi ng boyfriend mo ngayon ah!" tudyo sa akin ni Andi na mukhang nanibago din sa porma ni Ricci.
Alex poked my side. "Mukhang artista na talaga siya, Ate."
"Ssssh!" saway ko sa dalawa dahil hindi ko na naiintindihan ang pinag uusapan sa interview dahil sa ingay nila.
The host asked Ricci about his upcoming movie and his basketball career. Mukhang kinakabahan ang boyfriend ko sa pagsagot dahil isa nga namang batikan na talkshow host ang kaharap niya. I'm so proud of him because he achieved a lot this past few years since he entered college. He became famous because of his skills in basketball plus the good looks and well mannered attitude. Magaling siyang sumagot sa mga tanong pero hindi pa din nawawala ang pacute face niya kahit seryoso ang usapan.
"Ricci, are you single?" intrigerong tanong ng host na ikinahiyaw ng mga tao sa studio.
I didn't realize that I'm holding my breath right now because of too much anticipation.
BINABASA MO ANG
Walk with Me
FanficNo matter how painful distance can be, not having you in my life would be worse.