Chapter Forty

643 11 0
                                    

Broken

"Babe!" masayang salubong sa akin ni Ricci pagkakita sa akin dito sa labas ng dug out ng Green Archers.

Bagong ligo siya at nakabihis na ng damit niya kanina na kamatch ng suot ko. He gave me a chaste kiss on the lips before hugging me tightly.

Bango naman this guy!

Pagkatapos ng laro ay sinundo ako ni Kuya Rasheed na nanood din pala kasama ang mga classmate niya. Sinabihan daw siya ni Ricci na dito ko nalang siya antayin sa dug out. Napagkasunduan kasi namin nila Amer na mag night out sa isang bar somewhere in BGC para makapag bonding.

"Galing mo po lodi!" nakangiting sabi ko nang pinakawalan niya na ako sa pagkakayakap.

"Congrats bro!" bati ni Kuya Rasheed sa kapatid at nakipag high five.

Lumabas na din sina Brent at Kuya Prince na mga nakapanlakad ng suot.

Mukhang may handa nang manlibre ah.

"Brad!" nakangiting kaway ko kay Brent. "Libre mo na kami."

"BGC daw tayo sabi nila Xav." sabi naman nitong katabi ko na sobra na naman kung makapulupot sa beywang ko ng braso niya.

Nakangusong lumapit sa amin si Brent. "Hoy Ricci! Si babe mo lang ang ililibre ko."

"Treat one, treat all tayo bro!" nakangising sabi ni Kuya Prince kay Brent. "Package deal yan. Diba Sis?"

Naramdamdam kong ibinaon ni Ricci ang ulo niya sa leeg ko. His warm breath on my skin made me shivered.

Landi talaga nitong si Rivero!

Wala sa loob na tumango ako at kinurot ang braso ni Ricci dahil kinikilabutan na talaga ako sa bawat dampi ng hininga niya sa leeg ko.

"Hoy Ricci! Bitawan mo nga muna yang girlfriend mo at hindi na makahinga sa higpit ng yakap mo." sita ni Kuya Rasheed kay Ricci.

"Tsss!" mabagal na kinalas ni Ricci ang pakayakap sa akin.

Umakbay na lang siya at hinawakan ang isang kamay ko.

"Puta! Clingy mo talaga Rivero!" mura ng isang pamilyar na boses.

Paglingon ko ay nakita ko ang umiiling na si Andrei.

"Hello, Adi!" masayang bati sa akin ni Kib.

Ngumiti naman sa akin si Aljun na kakalabas lang din ng dug out. Nakilala ko na sila last year nung bago palang si Ricci sa GA. Sinama niya na ako dati sa training nila kaya nakilala ko na din ang buong team at sina Coach. Nakakamiss dahil graduate na sina Kuya Thomas at Kuya Jeron.

I gave them a warm smile and waved back. "Hi guys! Congratulations!"

Aljun chuckled. "Thanks. Inspired boyfriend mo eh!"

"Syempre. Andito babe niya." tukso ni Kib.

"Ayun naman pala kasi! Alam mo ba na badtrip yan nitong mga nakaraang araw?" kwento ni Andrei sa akin. "I heared him one time. Sabi niya, babe please reply! Nababaliw na ako dito!"

"Shut up Caracut!" pagalit na sabi ng boyfriend ko na sobrang pula na ng mukha.

Napahalakhak kaming lahat dahil napipikon na si Ricci sa panunukso nila.

I look at him lovingly. "Patay na patay ka talaga sa akin noh?" tudyo ko.

He kissed my hand and whispered, "Tsss! As if you don't know."

Walk with MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon