Ricci's POV
"That was a good game, bro!" masayang tinapik ako ni Kobe sa balikat habang naglalakad kami palabas ng gym.
"Javi was intense! Parang nakalaklak ng isang drum na energy drink." naiiling na inayos ko ang dala kong bag.
Kakatapos lang ng basketball training namin ngayong umaga. May importante kasing meeting mamayang hapon ang coaching staff ng varsities kasama ang buong school administration para pag usapan ang darating na UAAP. Ang UP kasi ang host ngayong season kaya kailangang paghandaan ito ng lahat.
"Buti naman at wala tayong training mamayang hapon. May importante kasi akong lakad." masayang sabi ni Juan.
Halos isang taon na ang nakakalipas mula nang mag transfer ako dito sa UP Diliman. I'm just thankful that the UP community welcomed me in their school warmly. May mga nadadaanan kaming ilang schoolmates na may maagang nagpunta dito sa school para mag enroll. Tipid na ngumingiti naman kaming tatlo sa mga bumabati.
"Una na ako. Bukas ulit!" paalam ko nang makarating na kami kung saan nakapark ang kotse ng varsities.
"Sige, Bro!" Kumaway naman ang dalawa na nagkanya kanya na din sa pagsakay sa sariling kotse.
Uuwi na muna ako sa condo dahil wala naman akong ibang gagawin ngayong araw. Tapos na kasi akong mag enrol last week dahil nauna ang enrolment schedule para sa varsities. The schedule of my class this second semester is quiet light. Kaya madami akong oras para sa training at ilang offers na tinanggap ng manager ko.
My mind drifted to my girlfriend while I was driving and stocked with the usual morning traffic. A smile creaped off my face when I remember her beautiful face patiently waiting for me at the restaurant last December.
"Hi, Sahia!"
Nakangising mukha ng mga nakababata kong kapatid ang bumungad sa akin pag accept ko sa videocall ng account ni Gelo sa Messenger. Kasalukuyan akong nasa biyahe pauwi mula sa katatapos lang na mall show namin sa MOA para sa aming pelikula. Ang alam ko ay galing din ang pamilya ko sa Greenhills para manood dahil hindi sila nakalabas kahapon. Sobrang dami kasi ng tao kahapon sa mga malls dahil start na ng showing ng lahat ng pelikula na kasali sa MMFF.
"Look who's with us!" the boys said mischievously.
Halos mapatayo ako at muntik pa na mahulog ang hawak kong cellphone dahil sa pagkabigla. The love of my life smiling and waving happily at the camera. Akala ko ay hindi talaga siya makakauwi dahil sa fashion gala na kailangan niyang puntahan. I admit that I was disappointed when she told me that she can't go home to watch my movie. Umasa pa naman ako na sabay namin itong panonoorin.
"Hi baby!" she said sweetly.
"B-babe?" paos kong sambit. "H-how? Why?"
Kinusot ko ang mga mata dahil baka pinaglalaruan lang ako ng aking paningin. I can't believe that my beautiful girlfriend is with my family right now.
"See you, Sahia!" the kids said simultaneously then kissed my girlfriend's cheeks and hugged her tightly. "Achi is waiting for you!"
"I will wait for you, baby. I love you!" masuyong bulong ni Adi bago pinatay na ang tawag.
BINABASA MO ANG
Walk with Me
FanfictionNo matter how painful distance can be, not having you in my life would be worse.