Naughty
"Take care of yourself there, Anak." naiiyak na paalala ni Mama kay Kuya Xander habang nasa airport kami.
Niyakap ni Kuya ng mahigpit si Mama at hinalikan sa noo. "I'm going to visit you often don't worry."
Nakiyakap na din ang kambal habang humihikbi. Close na close din talaga kasi sila sa panganay naming kapatid dahil kung spoiled sila kay Papa ay mas grabe kay Kuya.
"Kuya, pag may nang away sayo dun sabihin mo sa akin para ibash ko sa twitter ha," bilin ni Alexa.
"Or when you have a girlfriend again, you need to tell us." dagdag naman ni Andrea. "Kikilatisin namin ni Alex."
Natatawang ginulo ni Kuya ang buhok ng kambal. "Oh girls, I will really miss you!"
Tinapik ni Papa ang balikat ni Kuya. "Basta anak, we're just one call away if you need us."
"Thank you Pa," naiiyak na din na sabi ni Kuya na yumakap kay Papa.
"Bakit si Kuya lang ang niyayakap niyo?" kunwaring nagtatampong sabi ko para gumaan ang atmosphere. "Aalis din kaya ako."
"Huwag kang feeling Ate, two weeks ka lang naman sa Pilipinas." tinapiktapik ni Andrea ang likod ko.
"Basta dala ka pasalubong pag uwi mo." nakangising sabi ni Alexa sa akin at yumakap ulit kay Kuya.
"Hindi ko kayo papasalubungan!" nakangusong inirapan ko ang kambal bago naglalambing na yumakap ako sa parents namin.
"Visit your grandparents in Isabela please." paalala ni Mama.
Nakangiting tumango ako. "Doon po kami dederetso ni Kuya pagdating ng Pilipinas."
Tinawag na ang flight namin kaya inayos ko na ang hand carry na dala. Konti lang ang luggage ni Kuya dahil nauna na niyang pinadala sa Manila ang mga gamit niya. Ako naman ay konti lang din dahil madami pa naman akong damit na naiwan sa bahay nila Lolo.
We decided to visit our grandparents first in Isabela before we will settle in Manila. Mabuti na lang at nataon na spring break na sa school kaya nakasama ako kay Kuya pauwi ng Pilipinas. No one knew about me going home with my brother. I want to suprise my boyfriend on our second anniversary and watch his games in the UAAP.
"Bye po. I love you." paalam namin ni Kuya before kami pumasok sa boarding gate.
Halos natulog lang ako sa buong flight pauwi ng Pilipinas habang may kung anong ginagawa sa laptop niya si Kuya.
"Ladies and gentlemen, we have just landed at the Ninoy Aquino International Airport." anunsyo ng stewardess at tapik ni Kuya sa balikat ang gumising sa akin.
Kinuha na namin ang dalang mga gamit at nakisabay sa agos ng mga pasahero pababa ng eroplano. We have another flight to catch going to Isabela today. Sa Cauayan na lang kami susunduin nila Tito Daniel mamaya.
"Let's eat muna before mag check in," sabi ni Kuya Xander dahil may one hour pa naman kami mag aantay bago ang sunod naming flight.
Habang nakaupo kami sa Starbucks ay inopen ko ang cellphone ko at nakiconnect sa wifi. Sunod sunod ang pumasok na mensahe sa messenger ko. Karamihan ay galing sa pamilya ko at nagtatanong kung nakarating na daw ba kami ni Kuya dito sa Pilipinas. Madami ding messages ang boyfriend ko dahil wala pala akong message sa kanya simula kaninang umaga. For sure nag aalala na yun masyado at baka napapraning na naman.
BINABASA MO ANG
Walk with Me
FanfictionNo matter how painful distance can be, not having you in my life would be worse.