Healthy
"What are you doing here?" mataray na sikmat ni Camille sa boyfriend niya na siyang nasa unahan katabi si Brent.
Kita ang pagkabigla sa mukha ng mga lalaki dahil nahuli na namin ang pagsunod nila.
"Uy! Andito din kayo?" kunwaring nabiglang tanong ni Brent. "What a small world nga naman." he laughed awkwardly.
"Love!" guilting sagot ni Kuya Xavier na mukhang hindi alam kung paano lalapitan ang galit na girlfriend.
"Tss! Stalkers!" singhal ni Amer at kinurot ang taenga ni Brent.
"Aray!" natatawang reklamo ni Brent at pinalo ang kamay ni Amer paalis sa taenga niya. "Ayaw niyo kasi kaming sinama kaya kami na mismo ang nag invite sa mga sarili namin."
I glanced at my boyfriend whose smirking at me. Pasimple siyang lumapit sa akin ay humalik sa pisngi ko. I scowled at him and pinch his side.
"Ouch naman babe!" reklamo niya at hinuli ang kamay ko. "Pinasunod lang nila ako dito."
"Galing niyo talaga no? Stalkers!" I hissed. "Kaya pala wala kang reply sa text ko."
"Paano niyo ba nalaman na nandito kami?" naiirita na tanong ni Jenny na pinipilit alisin ang kamay ni Jared na nakaakbay sa kanya.
Natatawang nagkatinginan ang boys at sabay sabay na itinuro ang pinsan ko na sinasakal na ni Camille.
"Sinundan kasi kayo ni Xav at Brent hanggang airport. Then tinawagan nila kami ni Jared na papunta na kayong Laguna." paliwanag ni Kevin na nakaholding hands na kay Alyssa.
"Kasi naman!" inis na sigaw ni Amer. "Hindi kayo kasali sa bonding namin!"
Nagtawanan lang ang mga lalaki at inakbayan na ni Kuya Prince at Brent ang nag eemote na si Amer.
"Paano ka naman napunta dito? Diba may class ka kanina?" tanong ko kay Ricci habang naglalakad na kami papunta sa Rio Grande Rapids.
Wala na kaming magagawa kundi isama na lang sila sa lakad namin. Tutal ay nasulit na din naman namin ang girls bonding kanina. Mukhang mas okay nga na andito ang boys dahil may manlilibre sa amin mamaya ng dinner.
"Brent texted me that you're here in EK. Timing na kasama ko sila Kuya sa condo kaya sumama na din silang dalawa." he answered while fixing my cap and wiping the sweet on my face.
"Andito po ang trespassers sa girls bonding naming lima!" inis na lintaya ni Amer habang nakatutok ang videocam sa boys. "Say hi! Overly possessive stalker boyfriends!"
"Hi guys! Alam kasi namin na mas masaya sila kapag kasama kami." nakangising kumaway kaway pa si Brent sa camera.
Patuloy ang kulitan nila Brent at Amer kahit nakapila na kami papasok ng Rio Grande. Nakisabay pa sa trip ng dalawa sina Kuya Prince at Rasheed na parang tour guides habang nakatutok sa kanila ang video. Halos lahat kami ay medyo basa pa ang damit dahil sa pagsakay kanina sa Jungle Log Jam. Medyo mahaba ang pila kaya hindi maiiwasan na may makakilala sa mga kasama namin.
"Si Ricci Rivero yan di'ba?"
"Oo nga noh?"
"Dali picturan mo!"
"Kasama niya si Brent at Prince!"Pasimpleng inayos ni Ricci ang suot niyang cap na kapartner ng suot ko at bahagyang yumakap sa akin.
"Daming fans ah!" siko ko sa kanya na nakasubsob na ang mukha sa leeg ko.
"Mukhang may trending na naman mamaya dito." nakangising tudyo ni Jenny na siyang nasa likuran namin na akbay ni Jared.
BINABASA MO ANG
Walk with Me
FanfictionNo matter how painful distance can be, not having you in my life would be worse.