Adi's POV
"Ilang weeks daw kayo sa Vegas, bby?" I inquired to my boyfriend who was busy packing his clothes.
Kasalukuyan akong nasa condo ni Ricci ngayong umaga at patamad na nakahiga sa kama. Pinapanood ko siya na nag aayos ng gamit na dadalhin sa Las Vegas para sa training kasama ang buong UP Men's basketball team. Bukas ng hapon na ang flight nila kaya sinusulit namin ang oras na magkasama.
"Roughly four weeks or more. We will be back a week before the start of classes." he answered glancing my way with a soft eyes.
"Okay. That's quiet long." malungkot kong sabi at nag iwas ng tingin bago tumayo na para tulungan siya sa pag aayos.
Napatigil si Ricci sa ginagawang pagtiklop ng damit dahil sa napansin na lungkot sa boses ko. He stood up and immediately engulfed me with a warm hug and kissed my forehead sweetly.
"Mabilis lang naman yun babe. One day you'll wake up and I'm beside you again clinging like a koala on your every move." malambing niyang bulong habang yakap pa din ako.
Natawa ako ng bahagya dahil sa sinabi niya. Proud na proud pa talaga siya sa pagiging clingy. Isinubsob ko ang mukha sa dibdib at pinagsawa ang sarili sa kanyang mabangong amoy.
"Hindi na kasi ata ako sanay na matagal na hindi tayo magkasama." I murmured softly. "One month yun 'bby and you'll be in the other side of the world."
"I know. Kung puwede lang ba na hindi ako sumama eh. But we need to prepare for this upcoming UAAP. The team wants to get the championship so we need to train really hard. Maganda ang training program na offer sa Las Vegas para sa buong team." he patiently explained while caressing my back gently.
Tumingala ako para magkasalubong ang mga mata namin at matipid na ngumiti sa kanya. Pinatakan niya ako ng mabilis na halik sa mga labi at masuyong hinaplos sa pisngi.
"Di'ba you'll be in Singapore din next week for a fashion show and some photoshoots?" he added.
"Yeah. Parehas tayo na magiging busy next week." mahinang sangayon ko at umayos ng upo para kumalong sa kanya at yumakap ng mahigpit.
Ramdam ko ang malambing niyang pagpatak ng maliliit na halik sa tuktok ng ulo ko. I busied myself also by sniffing his manly scent. Ramdam ko ang tigas ng kanyang dibdib habang nakayakap ako sa beywang niya. The calm beating of his heart always give me solace and assurance how much he loves me.
"Tuloy ba kayo nila Amer sa bakasyon niyo sa Japan?" tanong niya pagkatapos ng mahabang katahimikan.
Oo nga pala. Next week na din ang alis naming magkakaibigan para magbakasyon sa Japan. Matagal na itong naplano at excited na kaming lahat na maexplore ang bansa ng mga Hapon.
"Yes. Then after that nasa Hongkong and Macau naman ako for the launching of new designs ng Binibini for two weeks." I said recalling my schedule for next month. "Tapos baka umuwi din muna ako sa Isabela para magbakasyon. Kinukulit ako nila Lolo eh."
He nodded. "Tama naman na umuwi ka muna dun para hindi ka malungkot dito sa Manila. Sunduin nalang kita sa Isabela pagbalik ko."
Tumango nalang ako at pinagsawa ang sarili sa init ng yakap niya. These past few months has been surreal for the both of us. Madaming adjustments kaming ginawa pareho pagkatapos kong umuwi ulit dito sa Pilipinas para dito na mag aral. Ricci is always there to support and understand especially when I don't know what to do anymore because of my hectic schedule in school and career.
BINABASA MO ANG
Walk with Me
Fiksi PenggemarNo matter how painful distance can be, not having you in my life would be worse.