Baby
Christmas and new year passed like a blur. Ganun pa din naman ang takbo ng buhay estudyante ko at so far ay maayos naman ang takbo ng relasyon namin ni Ricci. We discover new things about each other everyday and I'm loving him more each day. Sobrang dependent ko na din ata sa kanya habang tumatagal.
I'm also getting closer to his family especially with his younger brothers. Nagdinner ulit kami after Christmas pero sa bahay naman ginanap dahil ininvite sila ng grandparents ko. After new year ay bumalik na sa Manila ang daddy niya at dalawang kuya.
"Beks!" masayang salubong sa akin ni Amer pagpasok ko ng classroom ngayong araw ng Lunes.
"Anong meron baks at super hyper ka ata ngayon?" nagtatakang tanong ko kanya pagkaupo ko sa assigned seat tuwing first subject.
He giggled, "happy lang ako dahil nag announce na free cut tayo ngayong umaga."
"Bakit daw?" hinihingal pa na tanong ko.
Lakad takbo kasi ang ginawa ko mula sa gate dahil sobrang late na ako sa klase. May close door policy pa naman dito sa school kaya kapag hindi ka nakaabot sa fifteen minutes grace period ay hindi ka na papapasukin.
"May faculty meeting daw sabi ni Miss Abi," sagot ni bakla na busy na ngayon sa kakakutkot ng kuko gamit ang nail cutter.
I breathe heavily. Kung alam ko lang na may meeting ay sana hindi nalang ako pumasok ngayong umaga. Akala ko kasi may quiz kami dahil iyon ang sabi ng isa naming subject teacher last Friday. Kaya naman pinilit ko talaga na pumasok kahit sobrang puyat dahil past midnight na kaming nakauwi galing Baler. May photoshoot kasi ako para sa summer collection ng clothing line ni Tita Meg at doon ginanap ang shoot. Kahit kasi andito ako sa Pilipinas ay tuloy pa din ang contract ko sa agency ni Tita at sakto naman na may branch na sila sa Manila.
"Asan pala yung dalawa?" iginala ko ang tingin sa buong classroom at napansin na kaunti lang pala ang classmates ko na nasa loob.
"Bumibili lang ng snacks sa cafeteria." sagot ni Amer. "Antayin natin sila then tambay tayo sa library."
While waiting for our two friends, we talked about my photoshoot happened last Saturday. Gusto niya din daw pumunta ng Baler this summer vacation ng marinig ang kwento ko.
"Idlip muna ako baks ha," I yawned. Umub'ob ako sa armchair at nag decide na umidlip muna dahil inaantok talaga ako.
"Sige, gisingin kita kapag andito na sila." he said before i drifted off to sleep.
I whimpered when I felt that something is tickling my ear. Hindi ko sana papansinin pero tuluyan na akong nagising ng may humawak sa batok ko. Pag angat ko ng mukha ay si Jenny pala ang kumikiliti sa akin. "At last, gising na si Sleeping beauty."
I looked around and kami na lang pala ang tao sa loob ng classroom. I looked at my wristwatch, it's ten o'clock already. More than an hour din pala akong nakatulog kaya medyo nangalay ang braso ko.
"Need daw pumunta sa forum ngayon para sa general assembly ng 3rd and 4th year," balita sa akin ni Alyssa.
"Let's go na," aya ni Amer sa amin. "Baka magstart na at mapagalitan pa tayo."
Inayos ko ang sarili ko bago tumayo para sumunod na sa kanila palabas ng classroom. Medyo disoriented pa ako habang naglalakad papunta ng forum dahil sa sobrang puyat. Sana talaga hindi na lang ako pumasok kung alam ko lang na wala naman palang klase.
Pagdating namin ay halos puno na ang mga upuan. Sa right side lahat ng 4th year nakaupo kaya sa left side kami nagtungo.
"Alyssa!" malakas na tawag ni Kevin nang makita kami na naghahanap ng upuan. "Nireserve ko kayo ng upuan dito," turo niya sa gawing unahan kung saan nakaupo ang section namin.
BINABASA MO ANG
Walk with Me
FanficNo matter how painful distance can be, not having you in my life would be worse.