Chapter Six

650 14 0
                                    

Gagalingan

Maaga akong dumating ng school kinabukasan  dahil eight o'clock ang start ng practice namin sa music club. I dressed extra nice today dahil mag uusap kami ni Ricci. I want to look good so I decided to wear a white floral dress paired with flat strappy sandals. I let my natural curls down and wear a gold headband. I also tried to put lip tint on my lips to complete the look.

"Ganda naman this girl," masayang bungad sa akin ni Ate Rexie pagpasok ko ng club room. "Magaling ba mag alaga si Rivero?" tudyo pa niya.

Namula ako sa sinabi niya lalo ng tuksuhin din ako ng ibang clubmates namin. "Ikaw talaga Ate. Maganda lang ang gising ko kaya fresh looking."

"Iba na talaga ang inspired. Blooming na blooming!" nakangiting sabi ni Patricia na isa din sa kaclose kong club member.

"Ano ba kayo. Nakakahiya dun sa tao kapag narinig kayo na tinutukso ako sa kanya. Kaibigan lang naman niya talaga ako." medyo naiilang kong saway sa kanila.

"Oo na lang. Your so dense Adi. That guy likes you very much." naiiling na sabi ni Kristine sa'kin na kagrupo ko sa string instrument.

"Tama na muna yan guys at baka mapikon na si Adi. Start na tayo ng practice dahil medyo malilate daw si Ma'am Cruz." anunsyo ni Ate Rexie at pumalakpak na para matigil na ang ingay na dala ng tuksuhan.

Kanya kanya na kaming hanap ng puwesto per instrument para simulan na ang practice. Medyo okay na ang tunog naming string instrument kaya kaunting polishing na lang ang gagawin. Baka mamayang hapon ay puwede na kaming ihalo sa brass and percussions para magamay na ang isang tugtog na magkakasama.

"Fifteen minutes break muna tayo guys." sigaw ni Ate Rexie pagkatapos ng halos isang oras na pagtugtog. "Balik tayo before 10 o'clock ha." dagdag paalala niya bago lumabas para siguro kumain ng snack.

Busog pa naman ako dahil sa heavy breakfast ang kinain ko kaninang umaga sa bahay kaya hindi na ako lumabas ng room. Uminom na lang ako ng baon kong tubig saka kinuha na cellphone ko na nasa loob ng shoulder bag. Allowed ang mga estudyante na magdala ng cellphone tuwing weekends dito sa school. Bawal lang talaga siya kapag weekdays dahil nakakaistorbo daw sa lesson at para iwasan na din na maka distract sa pagtuturo ng mga guro.

Binuksan ko ang data ng phone at nagcheck ng notifications sa Facebook at Instagram account ko. Mabuti nalang at malakas na din ang signal ng internet dito sa Isabela kaya nakakapag data ako sa cellphone. Madami akong notifications at private messages kaya yun na muna ang inuna kong binuksan. Mostly ay tagged photos sa akin ng friends ko sa Sydney at message galing sa ilang sponsors ko sa clothing line ni Tita. Nakakainggit ang pictures ng mga kaibigan ko na magkakasama at mukhang nasa bakasyon na naman sila ngayon dahil school break. Namimiss ko na din ang gala naming magbabarkada dahil sobrang hilig naming magtravel.

I smiled sadly when I saw Dennise's post in my news feed. Nakakamiss ang bonding naming mag bestfriend dahil paranf magkapatid na din talaga ang turingan namin dalawa. She's one of my favorite person in the world.

Dennise Martin
Today at 9:43 Sydney Australia

Life was meant for Best Friends and Good Adventures😊❤ We miss you @adi_villaraza😭

Life was meant for Best Friends and Good Adventures😊❤ We miss you @adi_villaraza😭

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
Walk with MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon