Chapter Forty Five

592 14 0
                                    

Decision

"Anak?" Malakas na tawag sa akin ni Mama habang kumakatok sa labas ng kwarto.

"Y-yes po?" garalgal ang boses na sagot ko.

Wala akong pasok ngayong araw kaya maghapon lang akong nakakulong dito sa loob ng kwarto. Reminiscing the happy moments I had with Ricci. Browsing and editing our pictures together in my phone.

"Puwedeng pumasok?" nag aalalang tanong ni Mama.

Mabilis na pinalis ko ang luha sa aking mga mata bago tumayo at mabagal na pinagbuksan siya ng pintuan.

"Bakit po, Ma?" I asked not looking at her.

"Sabi ng kambal hindi ka pa daw kumakain at lumalabas dito sa kwarto mula pa kaninang umaga." she said worriedly. "Are you okay?"

Naiiling na tinakpan ko ang mukha ko para hindi makita ni Mama ang pamamaga ng mga mata ko.

"Masakit lang po ang ulo ko." I answered breathily.

"You know that we're always here for you. Huwag mong sarilinin kung may problema ka." malumanay niyang sabi. "Hindi ka din daw macontact ng Kuya mo."

Hot tears started to form in my eyes again. "I-I'm trying to be okay po."

Mahigpit akong niyakap ni Mama kaya hindi ko na napigilan ang mapahikbi.

"Ssshhh...It's okay, Anak." marahan niyang hinaplos ang likod ko. "You can tell Mama what is bothering you."

"M-ma!" impit na hikbi ko.

Sobrang bigat ng dibdib ko dahil sa sakit na nararamdaman. Ilang araw na din ang nakalipas pagkatapos ng hibernation na ginawa ko sa vacation house. Naging maayos naman ang pakiramdam ko pagbalik ko dito pero panandalian lamang pala yun.

"A-ang sakit po. Parang sasabog ang dibdib ko sa sobrang bigat." parang batang sumbong ko. "I d-don't know what to do anymore."

Napahagulgol ako nang maalala ang mga pangyayari nitong nakalipas na mga araw. Nang lumakas na sana ang loob ko na kumustahin si Ricci at kausapin tungkol sa sitwasyon namin ay sunod sunod naman ang natanggap kong messages at pictures galing sa isang anonymous sender. Puro pictures ni Ricci at Aubrey na magkasama. May isang picture pa nga na magkatabi silang naglalakad sa beach. Ang mas lalong nagpaiyak sa akin ay ang larawan kung saan inaabutan ng tubig ni Aubrey si Ricci habang nasa training ng Gilas. He is smiling widely at her. It really broke my heart. It should have been me!

Sobrang sakit pala na malaman na may ibang nagpapasaya sa mahal mo. Na may ibang gumagawa ng dating ginagawa mo. Na wala kang magagawa kasi choice mo naman na hindi ikaw ang nasa tabi niya. Pero sobrang unfair! Kasi hindi pa naman kami break eh. Akala ko gusto niya lang makapag isip at makahinga sa relasyon na ito. Pero bakit may ganito?

I also felt betrayed specially when I saw a picture of our friends with them dancing and drinking in a bar. Parang pinagkaisahan ako ng lahat. Mula sa mga kapatid niya at maging si Brent.

Nag deactivate ako sa lahat ng socmed accounts ko dahil hindi ko na kayang makakita ulit ng mga pictures na unti unting winawasak ang puso ko. Kahit si Kuya Xavier kapag tumatawag sa telepono dito sa bahay ay hindi ko din kinakausap.

"I'm here for you, Anak." malambing na bulong sa akin ni Mama. "Tell me everything and I will help you."

Pilit kong pinipigalan ang paghikbi para masabi kay Mama ang lahat ng bagay na nagpapahirap sa loob ko. Iginiya niya ako paupo sa kama at tinulungan akong punasan ang mga luha sa mukha.

Walk with MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon