Talk
Ngayong araw ang graduation day dito sa school. Kasama ko sila Mama at si Tita Rose sa loob ng forum para manood. Hindi na sumama sila lolo at lola dahil baka tumaas pa ang presyon nila dahil sa dami ng tao. Katabi kong nakaupo sina Mama, Tita Abi, Mama ni Brent at si Tita Rose dito sa may bleachers dahil isang parent lang ang allowed na pumasok kasama ng graduates. Ang mga daddies ang kasama nila Ricci sa processional hanggang sa pag akyat sa stage.
I'm so proud of them dahil natapos na nila ang highschool. Kuya Xavier is the class valedictorian while Ricci and Brent are included in with honors. Nabalanse talaga nila ang extra curricular activities at academics kaya sobrang nakakaproud.
"Sa Manila na rin ba mag aaral si Ricci ng college?" narinig kong tanong ni Tita Rose kay Tita Abi.
Natigilan ako nang marinig ang tanong dahil hindi pa din namin iyon napag uusapan ng boyfriend ko. Naramdaman kong sumulyap sa akin si Mama at pinisil ang kamay ko.
"Ang alam ko ay nakapasa siya sa La Salle at may offer sa kanya na maging varsity," sagot ni Tita Abi.
"Nasabi nga din sa akin ni Brent na may offer nga daw sa kanilang dalawa ang Green Archers," kwento naman ng mommy ni Brent. "Di'ba La Salle din si Prince?"
Tumango naman si Tita Abi, "pero hindi pa kami nagkakausap ni Ricci tungkol sa bagay na yan talaga." ngumiti siya sa akin nang magkatinginan kami. Sinuklian ko din siya ng matipid na ngiti.
"Si Xavier kasi ay sa UP ang gusto," kwento naman ni Tita Rose.
Matagal ko nang alam na UP ang dream school ng pinsan ko kaya nga pinag igihan niya talaga ang high school at pasado na din siya sa UPCAT.
"Sa UP din graduate si Kuya Daniel eh," sali na din ni Mama sa usapan.
Nagpatuloy ang kwentuhan ng matatanda habang tahimik lang akong nakikinig sa speech ng guest of honor. Ayokong mag overthink dahil baka ma down ang lang mood ko at may tamang oras naman para pag usapan namin ni Ricci ang bagay na iyon. Pagkatapos ng awarding of honors ay tinawag na si Kuya Xavier para sa kanyang valedictory address. Iyak ng iyak naman si Tita Rose habang nagsasalita ang ang anak niya.
Excited kaming bumaba matapos ang graduation rites para icongratulate ang mga grumaduate. Agad na niyakap ng mga mommies ang kanilang mga anak habang kami naman ni Mama ay nag offer na magpicture sa kanila.
Nang matapos ang picture taking ay mabilis na lumapit sa akin si Ricci at niyakap ako ng mahigpit.
I kissed his cheeks, "Congratulations baby," malambing na bati ko sa kanya.
"Thank you babe," masayang sagot niya. "Let's take a picture." sabay tutok sa amin ng camera ng phone niya.
"Picturan ko kayo mga anak," alok ni Tita at kinuha na ang phone ni Ricci.
Umakbay naman sa akin si Ricci kaya iniyakap ko ang braso ko sa beywang niya. Sunod ay nagpagroup picture naman kami kasama sila Kuya Xavier at Brent.
"Congrats Kuya! Congrats Brad!" masaya kong binati ang dalawa at niyakap.
"Thank you Dee," sagot ng pinsan ko sabay gulo sa buhok ko na gawain niya talaga kapag natutuwa sa akin.
"Salamat Brad!" sabi naman ni Brent at niyakap ulit ako na ikinakunot ng noo ni Ricci.
Ang Seloso naman talaga kahit sa best friend niya.
BINABASA MO ANG
Walk with Me
أدب الهواةNo matter how painful distance can be, not having you in my life would be worse.