Chapter Thirteen

638 12 1
                                        

Sunrise

Malamig na ang simoy ng hangin hudyat na papalapit na ang pasko. I remember when I was still in Australia, busy kami magplano ng summer get away sa beaches kapag ganitong panahon. I'm still amaze about the seasons there dahil kabaliktaran siya sa nakasanayan. Malamig na sa kabilang parte ng mundo habang sobrang init naman doon. Kaya medyo naninibago ako na malamig ang December na nararanasan ko muli ngayong taon dito sa Pilipinas.

Madami nang nangyari sa mga nakalipas na buwan. Sinagot na ni Jenny ang suitor niyang si Jared habang mas nagiging close naman sina Alyssa at Kevin. Si Brent ay may nililigawan na din ata dahil palagi siyang may kausap at katext sa phone. Si Amer naman ay super busy sa interschool acting workshops at iba pang extra curricular activities. Ang pinsan ko naman ay as usual, busy lagi sa pagiging SC president.

Naging maayos naman ang relasyon namin ni Ricci kahit na may petty fights at tampuhan kami lalo na at medyo naging busy ako dahil sa photoshoots na naka kontrata sa agency ng Tita ko para sa Christmas season. Ang branch niya sa Manila ang naghandle ng shoot kaya nag stay ako doon ng halos one week. Pero napag uusapan naman namin agad ni Ricci kapag may tampo ang bawat isa at hindi na pinapalaki ang issue. I guess open communication is the key for a relationship to lasts. Dalawang beses na kaming nag celebrate ng monthsary at two times na lagi siyang may pakulo. Ricci always made me feel treasured and loved.

Napangiti ako ng maalala ang nangyaring breakfast date namin ni Ricci noong isang araw.

"Labas ka babe," bungad sa akin ng boyfriend ko ng sagutin ko ang phone na walang tigil sa kaka'ring kahit na alas singko pa lamang ng umaga.

"Ang aga mo namang mang istorbo 'bby, Bakit?" naiinis kong palatak dahil sobrang aga pa talaga at sobrang antok ko pa.

"Bilis na kasi o kung gusto mo ako ang papasok dyan sa room mo para buhatin ka. Bahala nang magalit sila Lolo 'pag nakita ako dyan." banta ng magaling kong boyfriend.

Groggy akong bumangon kahit parang hinihila pa ako ng kama. I know that he will really do what he said. Baka maeskadalo pa ang pamilya ko at mapikot ng di oras si Ricci kapag nakita siyang pumasok dito sa kwarto. Sabado ngayon kaya pwede sana akong magstay sa higaan hanggang tanghali lalo't wala kaming practice sa music club ngayong araw.

Mabilis akong naghilamos at nagtooth brush nang medyo nakapikit pa ang mga mata. Hindi na ako nagbihis ng suot kong manipis na tokong shorts and oversized shirt dahil plano kong bumalik ulit sa pagtulog pag alis ng magaling kong boyfriend.

Nagmamadali na akong bumaba ng hagdan habang isinusuot ang hoodie dahil malamig sa labas. Wala pang gising sa mga kasama ko sa bahay na kahit ang kasambahay nila lolo ay wala pa sa kusina para magluto ng breakfast. Medyo madilim pa ang paligid nang makalabas ako ng bahay.

I found Ricci leaning on their car looking like a GQ model wearing sweatshorts and white knitted long sleeve.

What a sight to start my day! Okay lang pala na inistorbo niya ang tulog ko.

He smirked when he saw my clothes, "hindi talaga nagbihis babe?"

Napaingos ako sa sinabi niya. 'Sino bang nagmamadali na palabasin ako ha?' Bulong ko sa sarili.

"Ano bang kailangan mo 'bby? Antok pa ako." humihikab akong tumabi sa kanya.

Tumawa na siya ng tuluyan. "Hop in, I'm taking you out on a date."

My eyes bulged while my mind is still processing what he just said. 'Seryoso? Date ng ganito kaaga?'

"Seriously?" hindi pa din nagsisink in sa akin ang sinabi ng boyfriend kong nasapian ata.

Walk with MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon