Chapter Forty Four

576 15 0
                                    

Pain

Cool off can be a healing time for a couple. It will give you both time to reevaluate what you wanted. To continue the relationship or let go. But the danger is when you get used to that space or when someone came along in between the process.

"Beks!" Amer shouted angrily when I finally answered his call on messenger.

"Bakit ba?" nagtataka kong tanong dahil madilim ang ekpresyon ng mukha niya.

He groaned. "Kanina pa ako tumatawag sa'yo!"

Padarag kong ilinapag ang dala kong bag pagpasok ko ng kwarto habang umuusok ang bumbunan ni Amer sa kabilang linya.

"Why are you so angry?" pagod kong sabi dahil kanina pa masakit ang ulo ko.

Humilata na ako sa kama para makapagpahinga sandali. Haggard na haggard ang itsura ko dahil sa hirap nang nangyaring exam kanina. My subjects this third term were very hard so I need to put extra effort in studying.

Dalawang term na lang Adi. Kaya mo yan!

Napa face palm si Amer dahil sa tanong ko. "Hay naku! You're really oblivious of what is happening here in the Philippines." mataray niyang sabi.

"Ano ba kasi ang sinasabi mo?" mahina kong tanong habang nakapikit na ang mga mata. Sobrang drained ang energy ko ngayon.

"Wala na bang internet ngayon dyan sa Australia?" sarcastic na banat niya.

I just rolled my eyes at him. "I haven't check the internet for three days. Exam week namin."

Malakas na bumuntonghininga si Amer. "Trending ang boyfriend mo, bakla!"

"Lagi naman siyang trending. Wala namang bago." balewala kong sabi.

Ricci was the most tweeted athlete last year so it's not unusual if he is always one of the hot topic in socmed.

"So, alam mo na din na sa UP na mag aaral si Ricci?" he shrugged his shoulders. "Sabagay, baka ikaw pa nga nagsabi na dito na lang siya lumipat since andito naman kami nila Xavier."

Napadilat ako dahil sa sinabi niya. "W-what?"

"Eto oh!" pinakita niya sa akin ang latest tweet ni Ricci tungkol sa pagtransfer sa UP.

"Eto oh!" pinakita niya sa akin ang latest tweet ni Ricci tungkol sa pagtransfer sa UP

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Naghihinang bumangon ako at sumandal sa headboard ng kama. Unti unting nagsi'sink in sa isip ko kung ano talaga ang sitwasyon namin ni Ricci. Parang ang layo layo na talaga namin sa isa't isa dahil hindi ako aware sa malalaking desisyon niya na ganito. This is a life changing decision for him and I'm not there beside him. My mind drifted off from the first time I met him until our last conversation.

Walk with MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon