Surreal
"I'm so proud of you, Anak." naluluhang nakatitig sa akin si Mama habang nakaupo sa kama.
Trixie is doing final touches on my make up when my mother barged in my room. Kanina pa siya naiiyak habang nakamasid lang sa akin. Feeling ko tuloy ay ikakasal na ako dahil sa drama ng nanay ko.
"Ma, stop the tears please. Gagraduate pa lang po ako, hindi pa magpapakasal." natatawa ko siyang niyakap nang matapos na akong ayusan at makapagbihis ng white cocktail dress na papatungan ng toga.
Naiinis na umirap lang sa akin si Mama at pinalis na ang nahulog na luha sa mga mata. "I'm just so happy for you. Napagsabay mo ang career mo at studies."
Hinalikan ko siya sa pisngi at pinipilit na huwag ding maiyak dahil sa pinagsasabi ni Mama. I'm also proud of myself because this is really a big achievement for me. And I know that I will face another challenges when I finally enter college.
Graduation is a way to gives us a go signal that we are moving from one chapter of our life to another. And it feels so surreal to finally wear this graduation cap and toga. Naalala ko ang lahat ng hirap na dinanas ko habang nag aaral. The hardship from the toxic professors, difficult examinations and struggling between my studies and career was all worth it.
"Congratulations 'Mate!" masayang salubong sa akin ni Ethan pagdating ko sa Great Hall kung saan gaganapin ang graduation ceremony ng Senior Highschool.
"Thank you! Congratulations my friend!" nakangiting bineso ko si Ethan.
"Congratulations Darling!" mahigpit naman akong niyakap ni Tita Ellie at hinalikan sa pisngi.
Naging ka close ko na din kasi ang mommy ni Ethan dahil madalas kaming tumambay ni Dennise at Maddison sa boutique nito.
"Oh! Thank you Tita!" I squealed happily.
Hinila ako ni Ethan papunta sa ibang blockmates namin para makapagpa picture kasama sila. Iniwan muna naming dalawa ang parents namin na masayang nag uusap. Ang kambal ay naiwan sa may school grounds dahil parents lang ang puwedeng pumasok sa loob kasama ng graduates. May inihanda naman na big screen sa labas para mapanood ng iba ang nagaganap na ceremony.
We did wacky poses and had a picture with our professors until the master of ceremonies called all the graduates to queue with our parents for the processional. Pumila na kaming lahat sa may corridor at nasa magkabilang gilid ko sina Mama at Papa. Naging maayos ang daloy ng graduation rites at sobrang heartwarming nang magbigay na ng speech ang aming guest of honor. Halos mapunit ang labi ko sa sobrang lawak ng ngiti nang tinawag ang pangalan ko para tanggapin ang diploma. Nagkaroon din kami ng class and batch pictures pagkatapos ng ceremony.
"Deretso na tayo sa restaurant for lunch." sabi ni Papa habang naglalakad na kami palabas ng Great Hall.
"Asan na daw po ang kambal?" My eyes roamed around the school grounds to look for my sisters.
"Adi, can we have a picture?" kalabit sa akin ng isa kong kablockmate na lumapit kaya nabaling sa kanya ang pansin ko.
"Sure!" nakangiti akong tumango.
Nag selfie muna kami ng ilang beses bago siya nagpaalam sa akin.
"Ma, where are th-"
Naputol ang itatanong ko sana kay Mama pagbalik ko sa kinatatayuan nila dahil sa lalaking may dalang bulaklak na nakangiti sa akin ng malapad.
BINABASA MO ANG
Walk with Me
FanfictionNo matter how painful distance can be, not having you in my life would be worse.
