Teammates
"Manong, saan po dito nakakabili ng longganisa?" tanong ko sa kutsero habang sakay kami ni Ricci ng kalesa habang nag iikot dito sa Calle Crisologo.
Nalaman kasi ni Amer na nasa Vigan kami dahil nag post ako kanina ng picture sa Instagram kaya kung anu anong pinapabili sa akin ni bakla.
adi_villaraza Visiting Calle Crisologo made me suddenly miss Paris cobblestone streets and my school's vintage vibe in Sydney👫☀
Medyo tanghali na kaming nakarating dito sa Vigan dahil lampas tatlong oras din pala ang biyahe galing La Union. Nauna naming pinuntahan kanina ang Baluarte Zoo kung saan sobrang enjoy kami sa iba't ibang hayop na nakita. We visited the rows of cages where we saw lions, Bengal tigers, peacocks, civet cats, iguanas, phytons and other reptiles and birds. Binisita din namin ang butterfly garden kung saan sobrang dami ng mga paruparo at ang iba nga daw ay endangered na.
Hapon na nang pumunta kami dito sa Calle Crisologo dahil sa Hotel Luna nakapag book si Ricci ng room. Pagkatapos magpahinga sandali ay lumabas na kami para ienjoy ang lugar. We took our time enjoying the historical structure of this beautiful Spanish houses lined-street and trying different foods along the way. Sobrang nagustuhan ko ang bibingka at empanada na halos mag hoard na ako na ikinatawa ni Ricci. May mga nabili na din kaming kung anu anong pasalubong para sa pamilya at kaibigan namin sa Maynila.
"Babe, hindi na tayo makakadaan sa Bantay watch tower ha." sabi ni Ricci kinabukasan habang nasa biyahe na kami paalis ng Vigan para umuwi ng Manila. "I need to attend the training later dahil may special announcement daw si Coach."
As much as we wanted to extend our mini vacation, Ricci has other important commitments to attend to. Naguilty ako ng kaunti dahil hindi kakayanin na makaabot siya sa mamaya sa afternoon class niya. He assured me that it's okay since it's just a minor subject. I also need to bond with my brother and visit my grandparents in Isabela before I go back to Australia on Sunday.
"It's okay. Maybe we can go back naman kapag nagbakasyon ulit ako dito."
Namayani ang katahimikan sa loob ng kotse dahil sa sinabi ko. Hindi pa nga pala namin napag usapan ang tunay na issue kaya kami nag cool off.
"Baby..." I said breathily.
Napansin ko ang paghigpit ng hawak ni Ricci sa manibela. He looks so serious and I can't read his expression. Nakatiim bagang lang siya at blankong nakatingin sa harapan. Napahikbi ako bigla dahil hindi ko kaya na makita siyang ganito. Nag flashback sa isip ko ang umiiyak na itsura nung humingi siya ng cool off months ago. I closed my eyes trying to suppress the tears.
Naramdaman ko na biglang tumigil ang takbo ng sasakyan kaya napadilat ako. Iginilid ni Ricci sa daan ang kotse bago ako hinarap at seryosong tinitigan ang buong mukha. He sighed deeply afterward.
BINABASA MO ANG
Walk with Me
FanfictionNo matter how painful distance can be, not having you in my life would be worse.