Second
Today is September 28, the day I said yes to Ricci to be my boyfriend two years ago. I still remember that moment vividly; the fast beating of my heart, the sincere look on his face and the twinkle in our eyes. That moment will forever be my favorite.
"Dee! Saan ito ilalagay?" malakas na sigaw ni Kuya Xavier mula sa garden area.
Mabilis akong lumapit sa kanila at itinuro ang puno na pagsasabitan ng christmas lights at lanterns. "Isabit niyo sa puno, Kuya."
Kaninang umaga pa kami andito para mag ayos at magdecorate para sa surprise ko kay Ricci mamayang gabi. I decide to rent a townhouse here in Antipolo overlooking the city lights. Sina Kuya Xavier, Prince at Rasheed ang katulong ko sa pag aayos habang si Brent naman ang magdadala kay Ricci dito mamaya. Ang usapan namin ni Brent ay alas siyete sila pupunta dito ni Ricci.
Bumalik na ako sa kusina para asikasuhin ang pagluluto ng food pagkatapos ng ilang instructions ko sa tatlo. I cooked pasta, steak and chicken. Gumawa din ako ng chicken garden salad na specialty ni Mama na itinuro sa akin. Nagustuhan kasi ito ni Ricci nang natikman noong bumisita siya sa akin sa Sydney.
"Kuya, okay na po ang set up ng table?" tanong ko sa tatlo na paglabas ko ulit ng garden pagkatapos kong magluto.
"One! Two! Three!" sigaw ng tatlo at biglang umilaw ang paligid.
Napa 'wow' ako nang mabuksan na ang mga ilaw at lanterns na nakasabit at nakalatag sa paligid ng garden. Parang mga alitaptap ang christmas lights na nagpapatay sindi na naka hang sa mga puno. The place looks so romantic and magical!
"What can you say to our masterpiece, Sis?" nakangiting lahad ni Kuya Rasheed sa buong lugar.
"It's so beautiful!" masayang bulalas ko at niyakap ang tatlo. "Salamat sa tulong, guys!"
"Your welcome! Kapatid kana din namin." ginulo ni Kuya Prince ang buhok ko.
"Ang swerte din naman talaga sa'yo ni Rivero!" sabi naman ni Kuya Xavier.
Sobrang overwhelmed ako sa ginawa nilang pagtulong. Nakaka touch na hands on talaga sila sa pag aayos kanina at sobrang mabusisi sa detalye kaya naging ganito kaganda ang kinalabasan ng garden.
The infinity pool is filled with flower petals and balloons. May nakasinding mga artificial candles sa paligid ng pool na nagdagdag sa kagandahan ng paligid. Nakasabit na ang tarpaulin na may picture namin ni Ricci na magkayakap habang nasa likod namin ang Eiffel Tower at may nakasulat na "Happy 2nd Anniversary!". Naka set up na din ang table na may puting table cloth at red roses as centerpiece. May naka set na mga Go Pro sa paligid para irecord ang moment mamaya.
"Magbihis kana, Dee." utos sa akin ng pinsan ko.
"Ala sais na ng gabi." inform naman ni Kuya Rasheed na binabasa ang text ata ni Brent. "Nasa biyahe na daw sila Brent."
"Ilalabas na namin ang mga niluto mo." sabi ni Kuya Prince at sabay sabay na kaming pumasok ulit ng bahay.
Itinuro ko na sa kanila ang mga pagkain at ang wine na nakababad sa ice bucket at ang goblets.
"Maliligo muna ako ha. Kayo na ang bahala." paalam ko sa kanila at umakyat na sa kwarto sa itaas.
Nagsimula na akong maligo dahil baka makarating na sila Ricci ay hindi pa ako tapos mag ayos. Kinuskos ko ng mabuti ang katawan ko at shinampoo ng maayos ang buhok.
Mabuti na ang handa.
I'm now wearing a red halter dress paired with black stilletos. Lalong na emphasize ang kaputian ko at makinis na kutis dahil sa suot ko. I let my hair down, applied simple make up and sprayed my favorite Chanel perfume. Mukha akong dalagang dalaga na sa itsura ko at tiyak na malalaglag ang panga ni Ricci kapag nakita ako mamaya.
BINABASA MO ANG
Walk with Me
Hayran KurguNo matter how painful distance can be, not having you in my life would be worse.