Chapter Sixty

733 9 0
                                    

Love

"Hello Philippines!" nakataas ang kamay na sigaw ng kambal paglapag pa lang ng eroplano dito sa NAIA.

Nakisabay ang dalawa sa masayang hiyawan ng mga pasahero na halos karamihan ay mga balikbayan na umuwi dito sa Pilipinas. Bakas sa mukha ng lahat ang kaligayahan na sa wakas ay makakasama na kanilang pamilya ngayong darating na Kapaskuhan.

Natatawang napailing na lang kami nila Mama dahil sa inasta nina Andi at Alex. We can't blame them anyway because it's been twelve years since they left the Philipines. They were just turning five years old when we migrated in Australia and never had the chance to have a vacation here.

"Easy girls!" saway ni Papa sa kambal dahil sobrang hyper nila habang pababa kami ng eroplano. "Let's just proceed to the arrival area where your Kuya is definitely waiting."

"Dee," kalabit sa akin ni Mama habang inaantay namin na makuha ang maleta. "Magpapaiwan ka ba dito sa Manila o sasama ka muna sa amin pauwi ng Isabela?"

"Sasama po ako pauwi, Ma." sigurado kong sagot sa kanya. "Gusto ko po makasama muna sila Lolo at aattend din ako ng class reunion namin bukas. Luluwas na lang ako ng Manila after Christmas."

"Alam ba ni Ricci na ngayon ang uwi natin?" My mom asked again curiously.

"No, Ma." iling ko at kinuha na ang maleta ko na nasa harapan na. "He doesn't have any idea that we are here in the Philippines."

Kinuha na din ni Mama ang maleta niya habang sila Papa ay hila na din ang sarili nilang maleta at balikbayan box na nasa cart na.

My parents decided to visit our relatives in Isabela and spend the Christmas and New Year with them. May ilang batch reunions din daw silang kailangang puntahan. I bet my grandparents will be surprised since they also don't know that we will go home today.

Sinadya ko na hindi ipaalam kay Ricci na uuwi ako ngayong pasko. What he know is I will be in France for the Christmas Fashion Gala this week. Hanggang ngayon ay nagtatampo pa din siya dahil nag promise daw ako na papanoorin ko ang pelikula niya sa sinehan. Hindi pa din kami ulit nakapag usap ng maayos dahil naging busy na siya sa promotion ng movie.

"Tiyak magugulat si Kuya Ricci." sabat ni Andi na nasa kabilang gilid ko habang palabas na kami ng arrival area. "I've read on twitter that tomorrow will be the parade."

Bukas na kasi ang Parade of Stars ng mga kasali sa MMFF kaya busy na masyado ang boyfriend ko. At sa araw ng pasko na ang showing ng mga pelikula. Yan din ang isa sa rason kaya ayoko munang magpakita kay Ricci para hindi mahati ang atensyon niya. He needs to focus on the promotion of the movie, the meet and greet with the fans and some mall tours first.

"I'll just watch him on TV na lang." kibit balikat kong sagot. "And I also have someth-"

Naputol ang sinasabi ko dahil sa sigaw ni Alex.

"Kuya!" malakas na hiyawan ng kambal nang makita si Kuya Xander na masayang kumakaway sa labas ng arrival area. "We miss you!"

Nagtakbuhan ang dalawa papunta sa kapatid namin at mahigpit na yumakap. Nakangiting lumapit naman kami ng parents namin papunta sa kinatatayuan nila.

"I miss you girls." natatawang ginulo niya ang buhok ng kambal. "Ma, Pa." nagmano sa parents namin at kinurot naman niya ang pisngi ko. "Dee."

"You're so pogi na Kuya." pambobola ni Alex habang nakayakap pa din kay Kuya Xander.

"And so bango!" Andi giggled.

Walk with MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon