Painting
Pagbalik namin ay medyo lasing na sila Brent. Andito na din si Camille na kakagaling lang sa duty dahil nakasuot pa siya ng nursing uniform na pinatungan lang ng malaking denim jacket.
"Tagal niyo!" reklamo ni Amer pag upo namin sa dating pwesto.
Jenny rolled her eyes, "ang haba ng pila sa CR."
Bumeso ako kay Camille na nakangiting yumakap sa akin. "Hey Camz!"
"Adi! I miss you." she giggled. "Bati na kayo?" gesturing Ricci who is looking at me fondly.
Natatawang tumango ako. "Yeah! Hindi ko matiis eh."
"Yun oh!" tudyo ni Camille kay Ricci na hinila naman ako paupo sa tabi niya.
Natatawang nagkatinginan nalang kami ni Camille.
"Clingy!" she voiced out amusely which made me giggle like a schoolgirl.
Then my cousin whispered something to Camille that made her blushed profusely. Mukhang may sarili ng mundo ang dalawa kaya itinuon ko na ang pansin ko sa boyfriend ko na halos kalungin na ako sa pagkakasikisik sa akin sa tabi niya.
"What took you so long?" Ricci asked while wrapping his arms around me then planted a kiss on the side of neck. "I miss you agad."
Nakikiliting kinurot ko ang braso niya. He is doing his favorite move again. Mahilig talaga siyang humalik sa leeg ko habang nakayakap sa akin ng mahigpit.
"Madaming tao sa CR." tipid na sagot ko saka malambing na pinisil ang ilong niya. "OA mo!"
Ayokong malaman ni Ricci ang encounter namin nila Aubrey. I don't want him to be involved since I know his kinda friends with them. And I guess those girls already realized that I won't give up Ricci no matter what.
May kanya kanya ng mundo ang mga kasama namin. Nasulyapan ko ang mga kaibigan ko at boyfriends nila na sweet na sweet habang nag uusap. Sila Amer naman ay umalis muna kasama sila Kuya Prince, Kuya Rasheed at Brent. May tumawag kasing kakilala na nasa private lounge sa taas. Out of place daw kasi sila dito kaya makikijamming muna sila sa iba.
"I'm so happy you are here with me now." masuyong bulong sa akin ni Ricci habang nilalaro ang mga daliri ko. "I love you so much, babe."
I planted a chaste kiss in his lips which made him smile. "I love you too!" madamdaming sagot ko.
Pinatakan niya ako ng mas madiing halik sa mga labi na tinugon ko naman ng malalim na mga halik. Malakas ang loob naming maghalikan dahil hindi masyadong nakaharap sa mga tao ang kinauupuan. Tapos na din ang last set ng banda kaya wala na ding tao sa stage na nasa harapan namin. Medyo dim din ang ilaw sa parteng ito ng bar.
"Let's go home na maya maya, babe." he huskily whispered after the kiss. "Medyo may tama na din ako."
His lips is so red which made me want to kiss it again and again. I can also smell his minty breath mixed with a tinge of alcohol. Mukhang napainom na din siya ng hard drinks kaninang wala ako. Lasenggero din kasi itong sila Brent. Sinusulit talaga ang pag inom kapag nakakapunta ng bar. Hindi ko din naman sila masisi dahil kapag training season na ulit ay bawal silang uminom ng alak palagi.
"Can you still drive 'bby?" tanong ko habang hinaplos ang mukha niya na nakasubsob na naman sa leeg ko. "Or ako na lang magdrive mamaya?"
"Kaya ko pa. I'll just rest for a while." mahinang sagot niya saka pumikit sandali.
Pinabayaan ko na lang ang posisyon namin kahit medyo nakakangalay at hindi ako makagalaw masyado dahil nakapulupot sa baywang ko ang mga braso ni Ricci. Hinilot hilot ko na lang ang ulo niya para medyo mawala ang sakit ng ulo.
BINABASA MO ANG
Walk with Me
FanfictionNo matter how painful distance can be, not having you in my life would be worse.