Chapter Thirty Two

534 7 0
                                    

Crushes

I became so busy the next few weeks because of school activities and some shoots for Binibini. I also started accepting small offers for TV and print ads of some beauty products. Tito Ric, one of the scout in the agency is now managing my schedule.

After Ricci's short trip here in Sydney during my birthday, he got so busy with his trainings again. He was recruited to join the Gilas Cadettes to represent the country. Madami na ding offers sa kanya na endorsements like energy drink and smart phone. I keep on teasing him because he is so papogi and sounded so conyo during his interviews.

One of his interviews really caught my attention. He was asked who is his favorite loveteam. Alam ko na paborito niya ang Kathniel kahit noon pa na hindi pa kami magkakilala. While Joshlia is really my personal favorite. Pero ang hindi ko talaga alam ay kung sino ang crush niya na artista.

Nang natanong si Ricci kung sino ang celebrity crush niya ay medyo nainsecure ako. He likes Claudia Barreto and Kathryn Bernardo. Sobrang ganda at talented ng mga crush niya while I'm just Adi, a simple girl from Australia.

"Wag ka ngang ganyan beks!" naiinis na sikmat sa akin ni Amer habang magka video call kami sa messenger. "You are not just a simple girl. You are the Adrielle Villaraza! The face of Binibini which is now slowly conquering the world of fashion. Pang Victorias secret ang beauty mo ganun," he boastfully said.

I smiled on what he just said. Kaibigan ko nga talaga ang baklang ito. Nagpapasalamat ako na siya palagi ang nakakausap ko tuwing naguguluhan ang isip ko. He always say the words that made me go back to my senses. Palagi niya akong bininigyan ng reality check.

"Ang taas naman ng VS baks," naiiling na sabi ko na ikinataas na naman ng kilay ni Amer.

"Alam mo ang pa humble mo," mataray na sikmat niya. "Hindi mo ba nakikita sa salamin kung gaano ka kaganda? Sarap mo nga paslangin dahil nakaka inggit yang kagandahan mo."

I blushed and giggled, "paslangin talaga? Ang brutal mo Amer Solis!"

Grabe ang tawa ni bakla kahit madaming tao sa paligid niya. Nasa isang coffee shop ata siya around Katipunan. Inaantay niya si Alyssa habang magkausap kami para mag enrol sa UP. I'm so proud of them dahil magiging iskolar ng bayan na sila.

"Basta beks, just trust your love at alam naman natin kung gaano ka kamahal ni Ricci."

Tumango ako dahil alam ko naman yun. Hindi ko lang talaga maiwasan na hindi mainsecure lalo pa't sikat na din ang boyfriend ko. He is now starting to expand his horizon. Iisa na lang din ang mundong ginagalawan nila ng crushes niya. Ibang iba sa mundong kinabibilangan ko dito sa Australia.

"Napag isipan mo na nga pala ang plano mo ngayong okay na si Tito?" Amer asked curiously.

"Hindi pa baks, ayoko munang isipin yan sa ngayon dahil naguguluhan pa talaga ako."

Hindi ko pa napag iisipan ng maayos kung ano na ang gagawin ko ngayong medyo maayos na ang lagay ni Papa. Unti unti na kasing bumabalik sa dati ang kalusugan niya. I was just waiting for the right timing to talk to my parents about it.

But one night, on our usual Saturday family dinner, my brother suddenly brought up a topic about his plans.

"Pa, Ma." seryosong tawag ni Kuya Xander sa parents namin. "I have something to tell you. I hope you will support and understand me."

Walk with MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon