Heart
Nag stay ako pa ako sa Manila ng one week at sa buong panahon na iyon ay sa bahay ako nila Ricci tumira. Okay lang naman sa parents namin dahil malaki naman daw ang tiwala nila na hindi kami gagawa ng kalokohan. Nagbakasyon din sila Tita Abi at ang mga nakababatang anak niya kaya super saya namin sa bahay.
Namasyal kami sa Ocean Park dahil matagal na palang nagyayaya doon ang mga bata. It was also my first time to go there and I was amaze with diffent marine creatures and shows. Kaming dalawa lang ni Tita Abi ang kasama ng mga bata dahil may business meeting si Tito Paolo at may trainings ang mga Kuya. Super saya nang naging lakad namin at hindi ko kaya ang energy nila Riley na wala atang kapaguran.
Pag uwi ko ng Isabela ay panay naman ang punta namin nila Amer sa mga fiestahan at perya. Tawa sila ng tawa sa akin dahil sobrang naaamaze ako sa kulturang Pinoy gaya ng sayawan sa plaza, kumain ng naka kamay at Santa Cruzan. Sina Kuya Prince , Kuya Rasheed, Brent at Ricci naman ay umuwi muna ng Ilagan para sumali sa liga sa kanilang barangay. Todo suporta naman kami at cheer tuwing nanonood ng laro nila sa plaza. Grabe pala ang pikunan ng mga supporters ng bawat team kaya napapalaban si Amer sa asaran. Madami din kasing import na magagaling na basketball player ang bawat barangay kaya dikit ang laban dahil malaki ang premyo.
"Happy Birthday Adi!" masayang bati sa akin nila Lola pagbaba ko ng hagdan ngayong umaga.
It's the 23rd day of May and today is my birthday. I'm now seventeen years old and I feel happy to have another year to experience life.
"Blow your candle na." nakangiting itinapat sa akin ni Mama ang hawak niyang cake na may nakasinding kandila.
Natawa ako dahil nakasuot pala sila ng party hats at may malaking regalo pa na dala si Lolo. Andito din sina Tito Daniel, Tita Rose at Kuya Xavier na may hawak namang balloons. Nakangiting iniabot naman sa akin ni Ricci ang hawak niyang bouquet of roses at malaking teddy bear. Nakauwi na pala ang loko hindi man lang nagsabi.
"Oh my God! Salamat po," I said happily.
Sobrang overwhelmed ako sa effort nila na igreet ako ng sobrang aga at may pa surprise pa silang ganito. Mamayang hapon pa kasi ang handaan dito sa bahay para sa kaarawan ko. It's just a simple celebration and I invited some of my friends and classmates in school.
Masaya kaming kumain ng breakfast habang nagkukwentuhan tungkol sa summer trip bukas. We will go to a resort in Palanan and stay there for three days. Kasama namin ang family nila Ricci at Brent dahil matagal na palang plinano ng mga mommies na magbakasyon doon at maligo sa dagat. Ricci will also celebrate his birthday there so for sure the trip will be memorable.
"Can I invite someone?" nag aalangang tanong ni Kuya Xavier.
Natigilan kaming lahat sa kwentuhan dahil sa sinabi pinsan ko. First time kasi na magrequest siya na may isasamang iba sa family trip.
"Oo naman apo. Sino ba ang isasama mo?" nakangiting tanong ni Lolo nang makabawi sa pagkabigla.
Biglang namula si Kuya Xavier at nahihiyang tumingin sa amin.
Binata na ata ang pinsan ko.
"Isasama ko po sana si Camille." lakas loob na sagot niya.
"Camille the Vice President?" malakas na bulalas ko.
"The one with a long hair and the chinita?" tanong naman ni Ricci na nakangising tinaas baba ang kilay sa akin.
Tama pala ang hinala namin na parang may something sa dalawa mula pa noong prom night. Sobrang sweet kasi nila at halos hindi na umalis sa dance floor.
BINABASA MO ANG
Walk with Me
FanficNo matter how painful distance can be, not having you in my life would be worse.