Chapter Fifty Four

666 11 0
                                    

Stalkers

"Baby, sila Amer na lang daw susundo sa akin sa airport."

Kasalukuyan kong kausap si Ricci sa telepono habang nag aantay kami ni Kuya Xander na tawagin ang flight pabalik ng Manila. We spent two days vacation here in Isabela to visit our grandparents. I've got to bond with Ricci's family also when I went to their house. Tuwang tuwa ang mga bagets nang makita ako ulit at halos ayaw akong paalisin ni Riley nang bumisita ako.

"Okay babe. Ingat kayo." sagot ng boyfriend ko sa kabilang linya. Mukhang nasa school siya dahil medyo maingay ang background. "Sorry ha. May quiz kasi ako sa major subject."

"Until what time ang class mo?" curious kong tanong habang tinitingnan ang kapatid ko na mukhang bored na bored na ang itsura.

"Hanggang twelve lang po." he answered. "Why?"

"Dederetso daw kaming Laguna nila Amer pagdating ko ng NAIA." imporma ko sa kanya.

Napagkasunduan kasi namin na ngayong araw kami magbabonding dahil sa isang araw na ang uwi ko sa Australia. At seryoso talaga si Amer na bawal kaming magsama ng iba nina Jenny. No boys allowed especially our boyfriends and Brent.

"Anong gagawin niyo doon?"

Napalunok ako at nagdadalawang isip kung sasabihin ko ba kay Ricci kung saan talaga kami pupunta. Parang naririnig ko ang mataray na bilin ni Amer na huwag daw ipapaalam sa iba kung saan talaga kami pupunta. Knowing our boyfriends, baka daw sumunod pa ang mga ito.

"Uhmm..." kinakabahan kong sabi.

Hindi talaga ako sanay na hindi sabihin kay Ricci ang totoo.

"Saan ba kayo talaga pupunta?" seryoso na ang boses na tanong niya sa akin.

"I-I d-dont know pa kung saan 'bby." I stuttered. "S-si Amer lang nakakaalam."

I heared him sighed deeply on the other line. "Can I come?"

"No!" medyo high pitch kung sagot. "I mean, bawal daw kaming magsama ng iba. Ako, si Amer, Camille, Jenny at Alyssa lang dapat."

"Ano ba kasing gagawin niyong lima?" inis nang tanong ni Ricci.

"Bonding lang. Lagi na lang daw ikaw ang kasama ko." malambing na sagot ko. "Promise, no monkey business."

"Dee, let's go. Tinatawag na flight natin." kalabit sa akin ni Kuya Xander habang hawak na ang dala kong bag.

Nauna na siyang naglakad papasok sa boarding gate.

"Boarding na kami 'bby. See you mamayang gabi. Love you!" paalam ko kay Ricci dahil baka maiwan na ako ni Kuya.

"Okay. I love you too." sagot ni Ricci bago ko pinatay ang tawag.

Mabilis lang ang biyahe namin pabalik nang Manila. Before ten o'clock ang arrival namin sa NAIA kaya sa Laguna na lang siguro ako kakain nang lunch since heavy breakfast naman ang kinain ko kaninang umaga.

"Dee, sa ospital na ako dederetso. May lunch meeting kaming mga doctor." sabi sa akin ni Kuya habang naglalakad na kami palabas ng arrival area.

I nodded. "Punta kami ng Laguna nila Amer. Enchanted Kingdom daw."

"Take care okay." he ruffled my hair. "Kasama mo ba si Ricci?"

"Kaming apat na girls at si Amer lang, Kuya. Bawal daw ang boys." natatawang sagot ko.

"Grabe talaga yang kaibigan mo." he chuckled. "Buti pumayag ang boyfriends niyo?"

Walk with MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon