Promise
Punong puno ng tao ang buong forum dahil ngayong araw ang championship game ng interhighschool basketball tournament. Nakasuot ng color red at yellow ang halos lahat ng nanonood na siyang kulay ng dalawang magkalabang school. May mascot din na wolf at lion na inihanda ang bawat team para mag cheer. Kasalukuyang sumasayaw ang dance troupe ng kabilang school para ientertain ang audience habang inaantay pa na mag start ang laro.
"Asan na daw si Captain, beks?" nag aalalang tanong sa akin ni Amer.
Malapit na kasing mag start ang game pero hindi pa din dumadating si Ricci. Kanina nga ay pinuntahan ako ni Brent dahil hindi niya daw macontact ang boyfriend ko. Nag aalala na din sila ng buong team at maging si Coach.
Sinulyapan ko ulit ang cellphone ko kung may natanggap na bang text mula sa boyfriend ko. Thankfully, meron na nga siyang text. I opened his message immediately,
From Ricci
Ka2rating ko lang ng dug out babe.
Baba ka muna d2 saglit."Baba muna ako sa dug out. Andoon na daw siya." mabilis na paalam ko sa mga kaibigan ko.
Tumango naman sila kaya patakbo na akong naglakad papunta ng dug out. Medyo nakahinga na ako ng maluwag dahil akala ko talaga ay kung ano na ang nangyari kay Ricci.
"Pakisabi good luck sa team natin." pahabol na bilin ni Jenny.
Kilala na naman ako ng guard kaya pinapasok ako agad sa gate papunta sa hallway ng dug out. Tinawagan ko si Ricci para sabihin na andito na ako sa labas. Maya maya ay nagmamadaling lumabas ang boyfriend ko na nakasuot na ng jersey at may matamis na ngiti sa mga labi pagkakita sa akin.
"Hi babe," malambing na bati niya at mabilis na nag smack sa lips ko.
Yinakap ko naman siya ng mahigpit. Pinag alala talaga ako ng lalaking ito kanina. Hindi siya nag rereply sa mga text and call ko at fifteen minutes na lang ay hindi pa siya dumadating ng school.
"I've been worried," naiiyak kong sambit at mahinang pinalo ang dibdib niya.
He sighed, "sorry na po. Lowbat kasi ang phone ko. Galing akong hospital dahil dinala namin si Riley."
Kumalas ako ng yakap at nag aalalang napatitig sa kanyang mukha. "What happened?"
Si Riley ang youngest brother niya na sobrang cute. Nakilala ko na din siya nang dinala ito ni Ricci sa school noong walang nagbabantay dito. Mabilis na nakapalagayang loob ko ito at halos gusto ko nang iuwi sa bahay sa sobrang pagka adorable.
"Nag diarrhea kasi," he explained. "Natakot kami kasi baka ma dehydrate."
"Okay na ba siya?" usisa ko.
"Nalagyan na siya ng dextrose kaya magiging okay na daw sabi ni doc."
Tumango ako saka yinakap siya ulit. Clingy na din ikaw Adi?
"Good luck sa game mo 'bby," I murmured.
Hinalikan niya ang noo ko, "Thanks babe. Balik kanya sa taas. Baka hinahanap na din ako ni Coach."
"Okay. I love you," paalam ko at hinalikan siya sa gilid ng labi saka ako mabilis na tumalikod at tumakbo palabas ng hallway.
"I love you too!" malakas na sigaw ni Ricci. "Lagot ka sa akin mamaya," dinig na dinig dito sa dulo ang halakhak niya.
Naghiyawan ang crowd nang mag announce na mag i'start na ang championship game. May invited guests din ang interschool basketball association na coaches ng ilang sikat na schools sa Manila. Unang pinakilala ang team ng kalabang school at malakas na naghiyawan ang kabilang parte ng forum. Matatangkad din ang players nila at merong isang chinito na tinilian talaga ng mga babae nung tinawag.
BINABASA MO ANG
Walk with Me
FanfictionNo matter how painful distance can be, not having you in my life would be worse.