Priorities
Matapos ang pasko ay seryoso akong kinausap ni Mama tungkol sa sitwasyon namin ngayon na wala pa ring malay si Papa.
"Dee, I think we really need to stay here in Australia." simula ni Mama sa usapan. "Kailangan kong imanage ang restaurant dahil doon tayo kumukuha nang panggastos ng Papa mo sa ospital."
Tahimik lang akong nakikinig sa sinasabi ni Mama. Alam ko naman na kailangan naming magsakripisyong lahat habang hindi pa ayos ang kalagayan ni Papa.
Huminga ng malalim si Mama at nakikiusap na pinisil ang kamay ko. "Your Kuya is busy with his work. So, ikaw lang at ang kambal ang inaasahan ko na magbantay sa Papa mo."
"You don't have to worry Ma," mahinang saad ko. "But how about school? Graduating na po ako."
Ang school lang talaga ang pinaka inaalala ko dahil sayang naman kung hindi ako gagraduate eh ilang buwan na lang naman ay graduation na.
Ngumiti sa akin ng tipid si Mama. "Nakiusap ang Tito Daniel mo sa principal na kung pwede ay mag special exam ka na lang dahil isang grading period na lang naman ang kulang sa grades mo."
Medyo nakahinga ako ng maluwag sa nalaman dahil nanghihinayang talaga ako. Siguro ay ginamit ni Tito ang impluwensya niya sa school dahil kaibigan niya ang principal namin.
"Maganda naman daw ang grades mo sa nakalipas na grading periods. Kaya pumayag naman ang teachers mo dahil valid naman ang reason kaya ka hindi makakadalo sa klase." patuloy na imporma sa akin ni Mama.
I smiled at her weakly, "thank you Ma at pakisabi din po kay Tito Daniel, salamat ng marami."
Ngumiti sa akin si Mama at huminga ng malalim bago nagpatuloy sa pagsasalita. "And then you need to take online classes for Senior highschool starting this January para hindi ka mabehind sa term."
Nagulat ako sa sinasabi ni Mama dahil parang planado niya na talaga ang lahat.
"Possible ba iyon Ma? Na maka enroll na ako sa first term ng Senior Highschool eh wala pa nga akong diploma ng Junior High?"
The school year here in Australia is far different to other countries. The school year here is composed of four terms and classes starts at February and will end on December. There are also four season holidays in a year. There will be a two week school break during Autumn, Spring and Winter holidays. Plus six week summer holidays.
Naaalala ko tuloy ang usapan namin ni Ricci na itatry namin na pakiusapan ang parents ko na sa Manila na lang ako mag aral ng college. Well, that was before these things happened.
Isa pa sa iniisip ko ay kung dito ako sa Australia mag aaral ulit ay kailangan kong mag take pa ng two year Senior highschool program before I can enroll in college. Iyon sana ang isa sa mabigat na pwede naming gawing rason ni Ricci para payagan ako nila Mama na sa Manila na mag college. Since hindi pa naman kami inabot ng K-12 Program kaya hindi pa required ang batch namin na pumasok ng senior highschool sa Pilipinas.
"You can enroll anak as long as you will submit your diploma before the term ends. Then, you will go back in regular school on the second term."
Inipon ko ang lahat nang lakas ng loob ko para magsabi kay Mama ng gusto ko sanang mangyari. Wala namang mawawala kung susubukan ko.
"Ma, w-what if sa Pilipinas na lang ako mag college?" nininerbyos na simula ko. "Kasi sayang naman ang two years ko sa senior highschool dito eh pupwede naman na deretso college na ako doon."
BINABASA MO ANG
Walk with Me
FanfictionNo matter how painful distance can be, not having you in my life would be worse.