Chapter Twenty Six

524 14 0
                                    

Launching

"Happy New Year babe!" malakas ang boses na bati sa akin ni Ricci dahil halos hindi kami magkarinigan sa lakas ng putukan dito sa labas.

We're here in front of Sydney Harbour Bridge to witness the new year's countdown and fireworks display. Sobrang dami ng tao na nanonood ng mga ilaw na sumasayaw sa kalangitan at masayang sinasalubong ang panibagong taon.

Yumakap ako nang mahigpit at hinilig ang ulo sa dibdib ng boyfriend ko saka masaya din siyang binati. "Happy New Year baby. Thank you for spending this day with me."

He kissed my forehead and hold me tighter while watching the spectacular lights above us.
Nakangiting nakatitig lang ako sa mukha niya na naaaliw sa pinapanood. I can spend the whole day by just watching his face and memorizing his features.

Baliw na baliw kana talaga sa boyfriend mo Adi.

Bago umuwi ng Pilipinas si Ricci ay ipinasyal ko muna siya sa mga sikat na tourist attractions dito sa Sydney. We went to Australian National Maritime Museum and we got to board a replica of Captain Cook's ship, the HMB Endeavour, and a navy submarine and destroyer. Pumunta din kami sa Wildlife Sydney Zoo at nagpapicture kasama ang mga koala, quokkas, kangaroos, snakes at crocodiles. Right next to wild life Sydney Zoo, we went to the Sea Life Sydney Aquarium which contains the world's largest collection of Australian marine creatures, including sharks, dugongs, stingrays, turtles, platypuses, and penguins. Na try din namin ang glass-bottom boat tour at sobrang naamaze kami sa nakitang shipwreck. Gusto pa sana ni Ricci na mag snorkeling kami with the sharks kaso ay naduwag ako at pinilit na siyang umalis.

Ang pinaka na'enjoy namin ay nang pumunta kami sa Madame Tussaud kung saan kung anu anong pose ang ginawa namin kasama ang mga lifelike wax figures. We pose with our favorite celebrities and interact with mega-stars, play Wii tennis with Lleyton Hewitt, climb with Spider-man, and even strum a guitar with Taylor Swift. Tawa ako ng tawa nang magpapicture si Ricci na naka akbay kay President Obama. Lumabas naman ang pagiging fan girl ko at yumakap sa replica ni Chris Hemsworth na ikinanguso na naman ng seloso kong boyfriend.

"Baby, may sasabihin sana ako sa'yo." malungkot na tumitig ako sa mukha ni Ricci.

Nakahiga kami ngayon sa kama dito sa loob ng kwarto ko at inienjoy ang presensiya ng bawat isa. Mahigpit na nakayakap siya sa beywang ko at magkaharap kaming nakatagilid ng higa. Bukas na kasi ang flight niya pabalik ng Pilipinas kaya sinusulit na namin ang oras na magkasama.

"Hmm, about saan babe?" curiousity is written all over his face.

I cleared my throat and organize the words that I'm going to say. Matiyaga naman siyang nag aantay lang sa sasabihin ko.

"Kinausap kasi ako ni Mama tungkol sa sitwasyon namin ngayong nasa ospital si Papa," malumanay na simula ko dahil pinapakiramdaman ko muna ang magiging reaksyon niya.

I feel him stiffened and I can hear his heart beating fast upon realizing what I am talking about.

Bumuntong hininga ako at nagpatuloy, "I need to stay here in Australia to help my family."

Sinabi ko kay Ricci ang sitwasyon namin ngayon dito na kami ng kambal ang mag aasikaso kay Papa. Dahil sina Kuya at Mama ay nagtatrabaho para magkaroon ng pera na pang sustain sa gastos sa ospital.

Parehas kaming tahimik na dalawa pagkatapos kong magsalita. We both know that we can't be selfish in times like this.

"But, if okay na si Tito ay puwede ka nang sa Manila mag aral?" seryosong tanong niya habang nakatulala kami pareho sa kisame.

Walk with MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon