Chapter Fifty Two

715 8 0
                                    

Elyu

Watching the setting sun with the one we love is one of the most comforting feeling in the world. It reminds us that no matter what happens, every day can end beautifully.

"C'mon babe! Dinner na tayo. Mukhang masarap ang pagkain sa seaside resto nitong resort."

Hinigit na ako ni Ricci patayo dahil medyo madilim na ang paligid. Nawili kami sa panonood sa paglubog ng araw at sa mga batang nagtatayo ng sand castle sa di kalayuan habang nakababad sa dagat. Sobrang presko sa pakiramdam ng maligamgam na tubig dagat at malamig na simoy ng hangin. I can literally live here for rest of my life.

Bumalik muna kami sa cabin para magbanlaw at magbihis bago kumain. Medyo natagalan kami sa banyo dahil sa kung anu anong kapilyuhan ni Ricci.

"Tinatamad ako maglakad 'bby. Piggyback ride please." nag iinarteng ungot ko sa kanya.

He chuckled on my childlike demand. Minsan talaga ay sinusumpong ako ng pagiging pabebe lalo kapag kaming dalawa lang ni Ricci ang magkasama.

"Ambigat mo kaya!" he laughed and shake his head while pulling me behind him.

"Yes!" Masayang pumalakpak ako ng yumuko siya para makasampa ako sa likod niya.

Hindi mo naman pala ako matitiis eh!

"At least you're using your muscles in a good way." pabirong pinisil ko ang nakaumbok na muscle sa braso niya.

Sobrang tigas ba Adi?

Napahalakhak si Ricci sa sinabi ko. "Gigil ka na naman sa akin, babe!"

Tawa kami ng tawa habang pasan niya ako papunta sa restaurant. Madaming nakatingin pero hindi na lang namin pinansin. We both don't care even if some people were already taking a picture of us. Siguro kapag masaya kayo talaga ay wala ka nang pakialam sa paligid.

"Si Ricci Rivero yan di'ba?"

"He's the famous bb player of the uaap"

"Girlfriend niya?"

Kinagat ko ng mahina ang batok niya dahil sobrang sikat niya na talaga.

"Celebrity much lang babe?" tudyo ko. "Pa autograph nga din ako."

"Look whose talking, as if your not famous also." ingos niya sabay palo sa hita ko.

"I'm not!" I giggled. "Wala akong fans noh."

"Anong tawag sa mga nagpapadala sa'yo ng flowers and gifts pagkatapos ng fashion show and ramps mo?" naiinis na lintaya ng seloso kong boyfriend.

Mukhang may pinaghuhugutan ang lolo niyo.

"Sponsors ang tawag dun." defensive kong sagot. "and admirers?" I taunted.

"Tss!" supladong sabi niya at niluwagan na ang paghawak sa akin.

Nakarating na kami sa bungad ng seaside kaya ibinaba niya na ako. We walked hand in hand towards the restaurant. Hindi pa masyadong madami ang kumakain dahil mag aala siyete pa lang naman ng gabi. Gutom lang kami parehas kaya napaaga ang plano naming mag dinner.

Walk with MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon