Ferris wheel
"Isuot mo na kaya itong heels mo beks then i'try mo nang ilakad." utos ni Amer kay Alyssa sabay abot ng sapatos.
Coronotion Night ng Mr and Ms Intrams ngayong gabi kaya busy dito sa backstage ang lahat para mag assist sa candidates. May hinire na make up artist si Ma'am Abi para mag ayos kina Alyssa at Kevin pero pinayagan kaming tatlo na sumilip dito sa backstage bago mag start ang pageant.
Hinawakan ni Alyssa ang kamay naming dalawa ni Jenny. "I'm nervous," mahinang saad niya.
"Just enjoy the contest. Kaya mo yan beks, nasa unahan kami ng audience to cheer for you." nakangiti kong sabi.
"You can make it. Isipin mo na lang na maganda ka at matalino." pagpalakas naman ng loob ni Jenny.
Pumalakpak ang coordinator para makuha ang atensyon ng lahat. "We're going to start after fifteen minutes."
Nag lead ng prayer si Ma'am Abi para kina Alyssa at Kevin saka kami nag group hug at lumabas na ng dressing room. Bumalik na kaming tatlo sa upuan namin sa first row ng audience courtesy of Kuya Xavier kaya kami dito nakapwesto.
"Start na daw Babe?" tanong sa akin ni Ricci pagkaupo ko sa tabi niya.
Nakangiti naman akong tumango at natawa sa kanilang dalawa ni Brent. May pa tarpaulin pa talaga sila para kay Alyssa na for sure ikinataas kilay na naman ng classmates nila. Sinabi nga namin na kami nalang ang hahawak ng tarpaulin kasi siyempre dapat hindi sila bias dahil may contestant din ang section nila. Ang sagot naman ni Brent ay kaibigan nila si Alyssa kaya siyempre dapat todo support sila diton Binatukan ko pa nga si Ricci ng sinabi niya na nag contribute naman daw sila ng pampagawa ng props ng section nila.
"Good evening ladies and gentlemen!" hyper na bungad ng emcee. "Tonight is the coronation of this year Mr and Ms Intrams!"
Ipinakilala na ang board of judges pagkatapos ay lumabas na ang twenty candidates para sa kanilang production number. Halos dumagundong ang loob ng forum sa lakas ng sigawan ng audience. Pang limang lumabas sina Alyssa at halos maloka ako sa lakas ng pag cheer ng section namin na may dalang letter balloons na "Go Alyssa and Kevin". Todo wagayway naman itong dalawang kasama namin ng tarpaulin na may picture ni Alyssa.
Confident naman na nag ramp at pose ang aming dalawang pambato. Umaapaw talaga ang chemistry ng magpartner na pati kami ay nadadala sa tinginan nila sa bawat pose. Sunod ay nagpakilala naman ang bawat candidates.
"I'm Alyssa Mariano, 15. From Third year Science Oriented Class," she saod oozing with confidence.
Sunod ay ang announcement agad ng minor awards. Nakuha ni Alyssa ang Miss Photogenic at Best in Production Number. Si Kevin naman ang nakakuha ng Best in Sports Attire. Sunod nang ini'announce ay ang top ten na luckily ay nakapasok ang dalawa. Kasalukuyang long gown competition naman ngayon ang nagaganap nang biglang may magpunas sa pawisan kong mukha.
Nakangiting mga mata nitong katabi ko ang nalingunan ko. "Salamat." nahihiya kong sabi.
"Your welcome." sabay kindat sa akin ni Ricci.
Nagising na naman ang mga paruparo sa loob ng tiyan ko na nangyayari lagi kapag kasama ko siya. Mga simpleng galawan talaga ng lalaking ito ang laging naghahatid ng kilig sa sistema ko. Naputol ang pagtitig ko sa kanya nang tinawag na ang number nila Alyssa.
She's walking gracefully wearing a silver gown that hugs her curves. Napa "wow" kami sa itsura ni Alyssa dahil simple pero elegante ang peg niya. Ampogi din naman ng partner niya na nakasuot ng white tuxedo. Bagay na bagay ang dalawa at sana pagkatapos ng pageant ay maglayag na ang ship namin para sa kanila.

BINABASA MO ANG
Walk with Me
FanfictionNo matter how painful distance can be, not having you in my life would be worse.