Textmate
Halos mag iisang buwan na din na palagi kaming magkatext at magkatawagan ni Ricci tuwing gabi. Talagang tinotoo niya ang "I wanna know you more" ng hiningi niya ang number ko. Halos lahat na ata ng topic ay napag usapan na namin. From his passion in basketball to my musical instrument inclination. We already talked about our family and dreams.
Naikwento ko na din kila Amer ang tungkol kay Ricci minus the text and call part every night. I wanna keep my friendship with Ricci in a low key. Baka kasi bigyan nila ng malisya tapos pure friendship lang naman pala ang pakay ng tao. Nakakahiyang mag assume kahit na minsan parang may mga pasaring siya sa text and super lambing niya kapag magkausap kami sa phone. Textmate na textmate na nga ang datingan naming dalawa ni Ricci. Hindi ko alam kung aware si Kuya Xavier sa pagiging malapit namin ng bestfriend niya sa isa't isa pero one time ay kumatok siya sa kwarto ko kasi busy daw ang line ng phone ni Ricci. Kung naka telebabad na naman daw ba kaming dalawa ay tigilan na muna dahil may importante siyang itatanong dito tungkol sa school.
Hindi na uli kami nagkasabay na sumakay ng bus dahil hatid sundo na ulit kaming dalawa ni Kuya Xavier papuntahang school at pauwi. Tuwing nagkakasalubong naman kami ni Ricci sa school ay nagngingitian o simpleng batian lang ang nangyayari.
Busy ang mga 4th students noong nakaraang linggo dahil may visitors na dumating at nagkaroon sila ng assessment exam. Malapit na din ang start ng interhighschool basketball tournament at ang school namin ang host ngayong taon. Aligaga na si Kuya Xavier sa SC duties niya at hectic na din ang training ng varsity team. Naging madalas na din ang practice namin ng music club dahil may invitation na tumugtog kami para sa anniversary ng isang charity institution.
Free cut ulit ngayong Biyernes ng hapon kaya nakatambay lang ako sa music club. Wala ngayong araw si Jenny dahil may outreach program ang club nila. Si Amer naman ay busy sa pagpractice ng school play na itatanghal sa Intramurals. Samantalang si Alyssa naman ay pumunta din sa math club para sa tutorial session.
I busied myself playing random songs using my violin to ease my boredom. Tatlo lang kaming members ang nakatambay dito sa music room na pareparehong may sariling mundo. Wala munang practice ngayong hapon dahil may prior commitment na inattendan si Ma'am Cruz at Ate Rexie. Lulubusin na lang daw ang practice bukas maghapon. Gusto ko na sanang umuwi kaso hindi din naman ako papalabasin ng guard.
I lean my head on the table and decided to take a nap for a few minutes. Naalimpungatan ako bigla ng naramdaman na may humahaplos ng marahan sa buhok ko. Mabilis akong umupo ng maayos at tiningnan kung sino ang pangahas na umistorbo sa tulog ko. I was greeted by his handsome face and beautiful brown eyes. Ricci Rivero is here in front of me ladies and gentlemen after weeks of being my constant textmate and caller.
"Sorry to wake you up. Are you okay?" nag aalalang tanong sa akin ni Ricci.
I scanned the whole room and realized that we're all alone. Umuwi na ata ang dalawa kong clubmates dahil pagtingin ko sa wristwatch ay pasado ala singko na ng hapon. Napahaba pala ang plano kong pag idlip lang. I cleared my throat to find my voice.
"Paano mo nalaman na andito ako?" I inquired while fixing my things.
Tinulungan niya akong ibalik ang violin sa loob ng case. "Nakasalubong ko yung isang ka'club mo. Naiwan ka daw dito sa loob na tulog kaya pinuntahan kita agad."
"Di'ba may training ka pa?" nangtataka kong tanong dahil ang sabi niya dati ay hanggang ala siyete ng gabi na lagi ang training nila ngayon.
Inalalayan niya akong tumayo para makalabas na kami ng room. "Nagpaalam ako kay Coach na mauuna na akong umuwi. Ngayon lang naman ako nakiusap kaya pumayag din agad."
BINABASA MO ANG
Walk with Me
FanfictionNo matter how painful distance can be, not having you in my life would be worse.