Chapter Twenty Eight

484 11 0
                                    

Used

"Beks, may nalilink na naman kay Ricci na volleyball player," sumbong sa akin ni Amer habang magka video call kami isang araw sa messenger.

Kasalukuyan ako ngayong nasa ospital at nakabantay kay Papa na comatose pa din kahit halos limang buwan na ang nakalipas. Pero hindi kami nawawalan ng pag asa na magigising din siya at babalik sa dati ang kalusugan. Ang sabi naman ni Kuya Xander ay nag iimprove naman daw ang brain activity ni Papa at manalig lang kami na magkakarecover siya.

"Ayokong pansinin ang mga ganyang chismis baks dahil alam ko naman na okay kami ni Ricci," balewala kong sagot dahil hindi na talaga ako affected ngayon kapag may ganitong issue.

Noong una ay kinokompronta ko talaga ang boyfriend ko sa mga ganitong rumors lalo kapag may back up photos pa gaya ng magkatabi o magkausap silang dalawa nung babae. Pero lagi niya naman akong binigyan ng assurance na kaibigan, kaklase o katrabaho lang ang kasama niya at ginagawan lamang ng malisya ng ibang tao.

Napabuntong hininga na lamang si Amer at malungkot na napatitig sa akin. "Tapatin mo nga ako Adi, nasasanay ka na din ba na magkalayo kayo ni Ricci?"

Nagkibit balikat lang ako dahil hindi ko alam kung ano ang isasagot ko sa tanong ng kaibigan.

I sighed heavily, "ewan ko baks, parang mas okay na andito ako sa Australia dahil tahimik ang buhay ko."

Matagal na naghari ang katahimikan sa amin ni Amer at sa huli siya din ang bumasag at nagsimula ulit na magtanong. "Beks, mahal mo pa ba si Ricci?"

Mabilis naman akong tumango dahil sigurado naman ako sa pagmamahal na nararamdaman ko sa boyfriend ko.

"Mahal na mahal ko si Ricci at kailanman ay hindi iyon mawawala o mababawasan man lang."

I decided to be honest with my friend about my feelings and thoughts.

Tumaas ang kilay ni bakla at matiim akong tinitigan. "Pero may mga gusto kang gawin na mag isa ganun?"

I nooded slowly, "narealize ko kasi na mas madami pa akong kailangang gawin sa buhay ko. I need to finish my studies and I learned that Australia has more to offer than the Philippines. Mas maganda ang education system dito at sobrang competitive globally na kapag pumunta ka sa ibang bansa ay madali kang makakahanap ng magandang trabaho."

Hinayaan lang ako ni Amer na ilabas lahat ng gusto kong sabihin. Tahimik lang siyang nakikinig sa sinasabi ko.

"My dream school is here in Sydney as well as my family. Iniisip ko minsan na sobrang unfair sa parents ko if iiwan ko sila dito at mas pipiliin ko pa na makasama ang boyfriend ko sa Pilipinas. I know naiintindihan ako nila Mama pero deep inside may tampo sila sa akin dahil sa plano ko na pumuntang Manila kapag okay na si Papa."

Nasa Term 2 na ako ngayon sa Grade 11 at so far ay madali akong naka adjust sa school.

Hello, your studying in your dream school. So bakit hindi ka magiging excited sa pagpasok araw-araw di'ba?

Maluwag ang schedule ko sa school kaya madami akong time for extracurricular activities. Kaya balik na ulit sa dati ang schedule ko sa agency ni Tita Meg kaya kaliwat kanan ulit ang shoots and ramps ko. Tuwing weekends naman ay nagtuturo ako ng mga bata sa music school na pinasukan ko dati malapit lang dito sa bahay. Inalok kasi ako ng music teacher ko na kapag hindi daw ako busy ay puwede akong magturo ng violin sa mga bata. Which I gladly accepted because I want to share my passion to other people and I really love playing with children.

"I think you need to be honest with your boyfriend. Kasi unfair naman sa kanya na sobrang nag eexpect siya na uuwi ka ng Pilipinas after maging okay ang lahat dyan." payo sa akin ni Amer.

Walk with MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon