Chapter Forty Six

724 14 0
                                    

Ikaw

"Magandang araw, Maam!" bati ng Grab driver na sumundo sa akin dito sa NAIA.

Matipid akong ngumiti sa kanya. "Hello po."

Tinulungan na ako ni Manong na ilagay sa compartment ang dala kong maliit na maleta. Walang nakakaalam na umuwi ako ngayong araw dito sa Pilipinas except my brother. Sa condo ako ni Kuya dederetso pagkagaling dito sa airport. Hindi na ako nagpasundo dahil may nakaschedule siyang operation ngayong araw.

Tahimik lang akong nakatingin sa labas ng bintana habang nasa biyahe kami. Sobra pa din ang traffic dito sa Manila at medyo maulan din ang panahon. Tama lang pala ang suot kong trench coat, skinny jeans at high heeled boots dahil winter season ngayon sa Australia.

Habang nasa biyahe ay nakatulala lang ako sa tanawin na dinaraanan ng sasakyan. Iniisip ko kung ano ang gagawin ko para magkausap kami ni Ricci. Wala pa talaga akong konkretong plano sa mga gagawin ko ngayong nandito na ako sa Pilipinas.

Natigil ang pagmumuni muni ko ng biglang tumunog ang cellphone ko. Kanina sa airport ay bumili ako ng bagong simcard na ginamit ko para macontact si Amer. Ayoko pa din kasing i'activate ang socmed accounts ko. I don't want to see anything that will cloud my mind and influence my decision to talk with Ricci.

"Hello?" mahinang sagot ko sa tawag.

"Beks!" malakas na sigaw ni Amer sa kabilang linya. "Magkakasakit ako sa puso sa'yo ha. Asan kana?"

I smiled weakly. Hindi pa din talaga nagbabago si Amer sa pagiging OA. For sure sasabunutan ako nito kapag nagkita na kami mamaya. I texted him a while ago that I'm already here in Manila. Hindi niya talaga alam na ngayon ang uwi ko pero alam niya na may plano talaga akong umuwi ngayong buwan.

"Nakasakay na ako ng Grab. Sa condo na ni Kuya Xander tayo magkita." natatawang sabi ko. "And don't tell anyone okay? Kahit sa pinsan ko." pakiusap ko dahil baka madulas siya na masabi sa iba tungkol sa pag uwi ko.

I heared him sighed loudly on the other line. "Ingat! Magdadrive na ako papunta sa condo ng Kuya mo. I'll wait for you there."

"Ingat din baks. See you!" paalam ko saka pinatay na ang tawag.

Bumalik ako sa pagtingin sa tanawin sa labas ng bintana. Something caught my attention. Ricci's handsome face is on the billboard endorsing an energy drink.

Wow ha! Sikat na talaga ang lolo niyo

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Wow ha! Sikat na talaga ang lolo niyo.

Namiss ko bigla ang itsura niya dahil halos isang buwan na din ang lumipas mula nang huli kaming magkausap. Ang kwento sa akin ng kambal ay sobrang sikat na daw niya dito sa Pilipinas at kabikabila ang guestings, commercials at out of the country trip kasama ang Gilas.

Walk with MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon