All of Me
Magkahawak kamay kaming bumaba sa Ferris wheel pagkatapos. We look like two people in love and wrapped up with our own bubble. I can't believe that I finally have a boyfriend. Dito ko pala sa Pilipinas makikita ang lalaking iibigin ko.
Ang corny mo Adi ha. Natatawang sabi ko sa sarili.
"Dinner na tayo babe, then deretso na sa battle of the bands after." sabi ng boyfriend ko sa akin ng may madaanan kaming booth na may tindang rice toppings.
Tumango naman ako at nauna ng lumapit sa counter para mag order. Madaming pwedeng pagpilian pero yung medyo light lang ang gusto kong kainin since napadami ang kain namin kanina habang nag iikot.
"Siomai with rice sakin 'bby," sabi ko kay Ricci nang makapili na sa menu.
"What did you say?" laglag ang panga na tanong niya sa akin.
I smiled inwardly. Parang alam ko na ang ikinabigla na naman ng lalaking ito. "Sabi ko po, siomai with rice sa akin." patay malisya kong sagot.
"Hindi yun. Anong tinawag mo sakin?" kulit niya.
"Bby. Short for baby. Bakit ayaw mo ba?" kunwaring nakasimangot kong sabi.
"Gusto ko syempre." mabilis naman niyang sagot. "Hindi lang ako makaniwala na tayo na. Kinikilig ako sa endearment mo sa'kin," sabay yakap ng mahigpit at halik sa noo ko.
Mabilis ko naman siyang itinulak dahil may ibang tao sa harap namin na nakatingin. Ang PDA talaga ni Ricci kahit kelan.
"Order na tayo. Ang PDA mo masyado." saway ko sa kanya nang inakbayan na naman ako. "Nakakahiya kay Ate oh," turo ko sa babaeng nasa cashier na nag aantay ng order namin.
"Okay lang. Ang sweet niyo nga eh" kinikilig naman na sabi ng babae.
"Pasensya na sa boyfriend ko ha." nahihiyang sabi ko. "Siomai with rice sa akin tapos cucumber ang drinks. Ano sayo 'bby?" sabay siko ko sa boyfriend ko na nakangisi pa din.
Ang sarap lang kagatin ng ilong nito.
"Fried lumpia with rice nalang sakin and lemon juice." tamad na order ni Ricci ng makapili.
Umupo na kami sa table sa labas ng booth para antayin ang order. Magkatabi kaming umupo at agad namang hinawakan ng boyfriend kong clingy ang mga kamay ko. Tiningnan ko siya ng mariin na ikinataas lang ng kilay niya.
"Clingy much 'bby?" naaamuse kong tanong.
He chuckled, "can't get enough of you eh." sabay halik sa pisngi ko. "I'm getting addicted."
Napaawang ang bibig ko sa ginawa ni Ricci. Level up talaga ang pagka PDA ng lalaking 'to. Mas malala pa ngayong girlfriend niya na ako.
I just let him do what he want because deep inside I'm dying with so much kilig also. Magana kaming kumain ng dumating ang inorder namin. Nagshare kami ng pagkain at masayang nagkwentuhan tungkol sa mangyayaring championship ng inter high school basketball tournament next week. Pasok ang school namin sa finals at ang kalaban ay ang rival school. Confident naman daw ang team na mananalo pero puspusan pa din ang training nila after ng intrams.
After dinner ay pumasok na kami sa venue ng battle of the bands. Madami ng tao sa loob kaya masaya ako para sa pinsan kong punong abala para sa event na ito. Halos sa SC office na nga yun matulog kaya sana na enjoy talaga ng lahat ang intramurals. Kudos to all the members of student council for making this happen.
Nagtext na sila Amer kung saan silang part naka pwesto kaya doon na kami dumeretso. Magka holding hands kami ni Ricci na naglalakad habang papunta sa mga kaibigan namin.
BINABASA MO ANG
Walk with Me
FanfictionNo matter how painful distance can be, not having you in my life would be worse.