Chapter Sixteen

540 10 0
                                    

Pissed

"Calling all the passengers of Philippine Airlines Flight J780 bound to Manila please proceed to gate 5  for boarding."

Napatayo ako bigla nang tinawag na ang flight ko pauwi. Its 5 o'clock in the morning here in Singapore and luckily I found a flight early in the morning today. Mag isa lang akong babyahe pauwi ng Pilipinas dahil isang ticket lang ang available kaya mamayang hapon pa ang flight ni Mama. Halos wala pa akong tulog dahil almost twelve midnight  na natapos ang ramp at after party. Pagbalik ko sa hotel room ay umidlip lang ako ng konti then after two hours ay ginising na ako ni Mama para ihatid sa airport.

"Pasok na sa boarding gate anak," sabi sa akin ni Mama sabay halik sa pisngi ko. "Message me when you landed na ha." paalala niya.

I hugged her tightly, "Yes Ma. Ingat din sa flight mo mamayang gabi."

"Sa Manila muna ako matutulog dahil baka mga Sunday na ako makauwi. May pinapaayos pa kasi si Tito Daniel mo." bilin sa akin ni Mama before ako naglakad papasok.

I took a nap the whole flight to rest and regain some enery. Puyat na puyat kasi ang pakiramdam ko kaya kailangan kong makabawi ng tulog. The plane landed at nine in the morning and I need to wait for about two hours for another flight to Isabela.

"Hey 'bby," masayang bati ko sa tawag ni Ricci habang kumakain ng brunch dito sa Jollibee sa loob ng NAIA.

"Asan kana babe?" nakangiting tanong niya.

Sumubo muna ako ng fries bago sumagot, "NAIA na po. Kumakain ako kasi hindi ako nakapag breakfast before umalis ng Singapore."

"I told you na 'wag magpapagutom di'ba," mahinang sermon ng boyfriend ko. "Baka sumpungin ka na naman ng hyperacidity."

Sumasakit kasi ang sikmura ko kapag nagugutom at grabe ang acid reflux ko. One time nga ay umiiyak talaga ako sa sakit. Kasama ko pa noon si Ricci na hindi alam ang gagawin kaya todo paalala siya na dapat kumain ako sa tamang oras.

"Wala kasi akong ganang kumain kanina dahil antok na antok ako." pacute ang boses na paliwanag ko para matigil na siya sa panenermon. Daig pa kasi ni Ricci ang tatay kapag pinapagalitan ako.

We talked about random things to ease my boredom while waiting for my next flight. Nagkwento siya tungkol sa naging practice ng social dance at cotillion para sa prom. Hindi siya sumama dahil wala daw siyang partner kahit pinipilit siya ng dance instructor. Na'guilty naman ako dahil parang gusto niyang sumali at ako ang rason kaya hindi siya pwedeng sumama.

"Ano ka ba babe!" naiinis na sabi niya sa akin. "Sasali lang talaga ako dun kung ikaw ang kapartner ko."

"Okay lang naman sakin na may partner kang iba," mabigat ang loob na sabi ko kahit ayaw ko talaga na may kasayaw siyang iba.

He laughed huskily, "Huwag plastic babe, di mo bagay."

I giggled. Alam niya talaga kung gaano ako kaselosa. And I feel happy because he always consider my feelings. He never gave me reasons to get jealous. Alam niya daw kasi kung gaano ka negative ang feeling kapag nagseselos.

We talked more until my flight was called. Sa Cauayan Airport ang baba ko at susunduin na lang ako ni Manong pauwi ng Ilagan. Kaya baka mga alas tres ng hapon na ako makarating ng bahay. The prom will start at seven in the evening so I have spare time left. Sana lang ay matakpan ng make up ang pagod at puyat sa mukha ko at hindi ako sumpungin ng antok mamaya.

Walk with MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon