Chapter Thirty

662 14 0
                                    

Sweet

I'm smiling wildly while looking at reflection in the mirror. Happiness is radiating in my eyes and my red cocktail dress complimented my fair skin. I don Mac red lipstick to complete the look and fixed my hair. Nag aantay na sa akin sa baba si Ricci dahil kanina pa siya natapos magbihis. Nauna nang pumunta ng restaurant ang parents ko kasama ang kambal para sa birthday dinner na ipinahanda ni Mama. Si Kuya Xander naman ay doon na daw dederetso pagkatapos ng duty niya sa ospital. I took a picture of myself and posted it on my IG account.

 I took a picture of myself and posted it on my IG account

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

adi_villaraza Ready for the birthday dinner. Happy birthday dear self🎁🎉🎂

"Ang ganda naman ng girlfriend ko," namamanghang papuri sa akin ni Ricci pagbaba ko ng hagdan.

Pabiro ko siyang kinurot sa tagiliran dahil sa sobrang pagkabolero niya.

"Girlfriend mo na po ako, Mr. Rivero. Hindi mo na ko kailangang bolahin," nakaingos na sabi ko saka siya hinila na palabas ng bahay dahil andito na ang kotse na maghahatid sa amin.

"I'm just saying the truth, babe. Sobrang ganda mo kaya bagay tayo." malambing na sabi niya sabay kindat sa akin na ikinangiti ko naman.

Kilig kana naman Adi noh?

Patuloy pa rin ang pambobola sa akin ni Ricci hanggang sa makarating na kami sa restaurant. Agad niya akong inalalayan pababa ng sasakyan at magkahawak kamay kaming pumasok.

"Happy Birthday Adi!" Malakas na bati sa akin ng pamilya ko at mga kaibigan pagpasok namin ni Ricci sa loob.

Napaawang ang bibig ko sa sobrang pagkabigla sa surpresa nila. Naiiyak na iginala ko ang paningin sa buong lugar habang masayang binabati at niyayakap ako ng lahat. Kumpleto ang pamilya ko, andito din sina Tita Meg, Trixie at ibang staff ng agency. Nakangiti ding kumakaway sa akin sina Dennise, Jace at Kyle. Masaya naman akong binati ng mga kaklase ko sa Grade 11 at ng mga taga music school na tinuturuan ko.

Lalo akong napaiyak nang makitang andito din si Kuya Xavier na nakakalokong nakangiti sa akin.

"Hey Couz! Ang ganda natin ngayon ah." nakangiting hinalikan niya ako sa pisngi.

Lumabi lang ako at niyakap siya ng mahigpit, "where's my gift?"

"Aba! Abuso kana. Ang mahal kaya ng pamasahe papunta dito." reklamo niya sa akin at pinisil ang ilong ko. "Binati na nga kita sa IG kaya tama na yun."

"Ang kuripot mo talaga bro," pang aasar ni Ricci sa pinsan ko na nasa likuran ko na pala. "May girlfriend na kasi yan babe, kaya grabe ang pagtitipid."

"Shut up Cci," matalim na banta ni Kuya sa boyfriend ko na pabiro namang nagtago sa aking likuran.

"What? Sinagot kana ni Camille?" hindi makapaniwalang tanong ko. May nabola na din pala ang tuod kong pinsan.

Walk with MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon