Tzuyu's POV
-🔱-
[Time Check: 8:37 A.M.]
"O nak, san ka pupunta? Ba't ayos na ayos ka?" tanong sakin ni mama habang lumalapit saakin.
"Ah ma, nag-ayaan kasi kami nina Momo na mamasyal ngayon sa mall." sabi ko.
"Ahh.. mag-ingat kayo doon ha?" paalala ni mama at inayos ayos ang buhok ko.
"Opo mama." sagot ko. "Nga pala ma, makakauwi po ako dito ng mga twelve ng tanghali. Ihahatid ako dito ni Chaeyoung."
"Sige. Basta mag-ingat kayo ha? Just have fun with your friends." concerned niyang sambit.
"Opo. Sige ma, alis na ako dito. Regards mo nalang ako kay kuya Sehun pag nakarating na siya galing school." sambit ko at yinakap siya.
"Sige. Bye." sabi niya at hinalikan ako sa pisngi.
Lumabas ako ng mansion at naghintay ako dito ng taxi papuntang park. Nakasuot lang naman ako ng pantalon tas naka blouse ako. Pero nagjacket ako kase malamig naman sa mall. Naka casual shoes lang ako. Then yung buhok ko nakabuhaghag. Haha, sobrang simple girl ako no? Di biro lang.
Tinignan ko yung phone ko. At may message na galing kay Momo.
...
From: Momo
heya Tzuyu! Saan ka na? Kami palang dito ni Dahyun sa parkeu. HEHE. tagal niyo.
...
...
To: Momo
andyan na pala kayo ni Dahyun? wow, excited. Don't worry. Papunta na ako dyan.
...
+ message sent!
Wow. Nauna talaga sila ni Dahyun sa park. Excited talaga yung dalawa na yun. Tamang tama may taxi na papadaan, so nagpara ako. So lucky naman, huminto naman ang taxi.
Pinababa niya yung bintana, "Saan po kayo, miss?"
"Sa park po. Yung sa St. Marino Village."
"Ah sige po. Sakay na kayo." sambit niya at sumakay naman ako sa taxi. Papapunta na kami sa park.
Habang nagbibiyahe ako, nagvibrate naman yung phone ko. May nagtext na naman siguro.
...
From: Chaeyoung
good morning! Ikaw, Sana at Nayeon nalang ang hinihintay. Bago palang ako dito. Si Jeongyeon, Momo, at Dahyun nandito na.
...
...
To: Chaeyoung
ahh.. eto on the way na ako. Hintayin niyo lang ako.
...
Nandon na din pala si Chaeyoung and Jeongyeon. Grabe yung mga kaibigan ko. Ang aaga. Kamusta naman neto mamaya, agad agad kami gagala sa mall. Maaga palang ngayon. Bago lang ata naging 8:00 A.M. ngayon e.
BINABASA MO ANG
only friends | tzukook
Fanfiction❝ hanggang kaibigan lang ba talaga ang tingin mo sa akin, jungkook? ❞ 多 ONLY FRIENDS // tzukook fanfic ♡ bangtwice stand alone story | completed ➳ @doieruto <3
