TZUYU
Kinabukasan...
Maaga pa lang ng alas sais, ay agad na ako nagjogging sa labas papunta sa subdivision namin. Para naman makapag-excercise nalang din. Di ko na sinama si Kuya Sehun. Mukhang masarap yung tulog niya eh. Hays. Kaya ako nalang muna mag-isa.
Pero dahil medyo napagod ako at medyo malayo na ako sa amin, naisipa ko munang maupo sa bench para magpahinga. Tsaka uminom naman ako sa baon kong tubig.
Pagkatapos kong uminom, nagulat nalang ako na may lalaking sumigaw.
"TANGINA! ANO BA ANG KULANG SA AKIN?!"
Napaharap naman ako doon sa bandang side kung saan galing ang sigaw na yun. Tapos bigla nanlaki ang mata ko ng nakita ko na yun pala ay si Jaemin. Nandito na pala siya? At tsaka umiiyak siya?
Anong sabi niya? Anong kulang sa kanya?
Siguro alam niya na lahat. Grabe ang iyak niya eh.
"ANO BA ANG GINAWA KONG PAGKAKAMALI?!" sigaw niya uli na habang napapasabunot sa sarili niya. "GANON?! PINAGLALARUAN LANG NILA AKO?!"
Sa mga pinagsasabi niya, nakaramdam ako ng awa. Nasasaktan siya. Syempre. Sino ba hindi naman masasaktan na yung jowa mo ay nakipagbalikan sa ex. Tapos hindi alam ni Jaemin na habang wala siya, magkasama si Jungkook and Yeri.
Naaawa ako para sa kanya. Mas mukhang nasasaktan yata siya sa akin. Mukhang mahal na mahal niya si Yeri.
Dahan dahan akong lumapit sa kanya. Tsaka nung mas lalo akong tumabi sa kanya, grabe na yung iyak at hikbi niya. Sayang. Sineryoso niya talaga si Yeri. Pero eto, nasasaktan siya. Ang bait bait na tao ni Jaemin. Hindi niya deserve masaktan.
"Jaemin?" tawag ko sa kanya at mukhang nagulat naman siya ng tinawag ko siya. Humarap naman siya sa akin.
"Tzuyu?" tawag niya sa akin. "Kanina ka pa dito?" tanong niya.
"Bago lang. Nakita kasi kitang umiiyak." sabi ko. "Umuwi ka na pala dito? Kelan lang?" tanong ko sa kanya.
"Kahapon lang.. pinilit ko sina Mom para umuwi lang para kay Yeri because I miss her so much." naiiyak niyang sambit. "Pero ano 'tong naabutan ko?! Naabutan kong nagkabalikan na sina Yeri at Jungkook!" sigaw niya naman sa ikinagulat ko.
Hindi lang talaga madali sa kanya ang lahat ng 'to lalong lalo na at mahal niya si Yeri.
"Alam mo na?" tanong ko sa kanya.
"Oo Tzuyu. Alam ko na." sambit niya sa akin ng nanghihina at humarap siya sa akin. "Mga walang hiya sila. Sinaktan nila ako ng todo. Habang wala pa ako, si Jungkook na ang kinakasama ni Yeri. Kaya pala, hindi na ako kinakausap ni Yeri sa Skype, nang dahil sa gago na yun. Nagulat ako kahapon, kasi sabi niya.. nakipagbreak na siya sa akin at mahal niya pa ang gago na yun." kwento niya sa akin. "Pero.. bakit?! Hanggang ngayon ba si Jungkook pa din?! Sabi niya sa akin.. ako lang ang mahal niya.. at mamahalin niya.. pero ano 'to?! Mahal niya si Jungkook! Binigay ko naman lahat lahat at ano pa ba ang pagkukulang ko ha Tzuyu?! Bakit hanggang ngayon si Jungkook pa din?! Bakit bigla bigla ganon?! Paano ba magmahal si Jungkook at nagawa niya ako balewalain?! Bakit parang madali lang sa kanya na iwan?! Akala ko ba mahal niya ako?! Ginawa ko naman lahat! Alam mo?! Ang sobrang sakit Tzuyu. Mahal na mahal ko si Yeri pero anong ginawa niya? Nakipagbreak lang siya sa akin na akala niya kafling niya lang ako. Parang hindi niya alam kung gaano ko siya kamahal kasi hanggang ngayon pala si Jungkook pa din ang nasa puso niya. Bakit ganito? Bakit ipinaglalaruan nila ako? DI PA NGA KAMI UMABOT NG ONE WEEK EH NAKIPAGBREAK NA SIYA SA AKIN?! GANON BA AKO KADALING SAKTAN?! IWANAN?! LOKOHIN?! BAKIT HINDI NALANG SINABI NG DERETSO SA AKIN NI YERI NA HANGGANG NGAYON AY MAHAL NIYA PA AY SI JUNGKOOK AT PARA HINDI AKO MAGMUKHANG TANGA NA NASASAKTAN SA KANYA?! TANGINA! MAHAL NA MAHAL KO SIYA!"
BINABASA MO ANG
only friends | tzukook
Fiksyen Peminat❝ hanggang kaibigan lang ba talaga ang tingin mo sa akin, jungkook? ❞ 多 ONLY FRIENDS // tzukook fanfic ♡ bangtwice stand alone story | completed ➳ @doieruto <3
