DAHYUN
"Husband?" tanong naming lahat lahat sa babae na yun at napatingin kami lahat kay Kuya Sehun.
"Ah, yeah." sagot niya.
"Ano na naman yan Lisa. Ang layo layo pa yan. Gragraduate pa tayo. Maghintay ka." parang natatawang sambit ni Kuya Sehun sa kanya. Wait-- what? Maghintay? Tsaka sino siya? Lisa? Magkaano ano silang dalawa?
"Then why did you hugged her?" ay. Siguro nga jowa niya 'to. Mukhang possessive si ate eh.
"Damn, relax. She's only my friend. That's only friendly hug." natatawang sabi ni Kuya Sehun at mas lalo lang naman kami nagtaka. "Baka iniisip mo naman na nangbababae ako, may nanliligaw na sa kanya. Ayun oh." sambit ni Kuya at tinuro niya si Jaemin at ningitian lang naman siya ni Jaemin.
"Oh, good." nakangiting sambit na nung Lisa.
"Pero masasabi ko lang ha, magseselos ka ba talaga sa kanya kapag babae yan ni Sehun hyung?" nagtatakang tanong sa kanya ni Taehyung.
Nakita naman namin na napataas ang isang kilay nung Lisa, "Luh! Of course, yes! Subukan niya lang!" masungit na sambit niya at ningisihan lang naman siya ni Sehun oppa. Sana all. Huhuhu!
"Pagpasensyahan niyo na 'to. Ganito talaga 'to. Si Tzuyu nga eh, pinagselosan din nung una una na di niya pa nalalaman na kapatid ko pala siya." natatawang kwento ni Kuya Sehun at nabigla naman kaming lahat doon. Ha?! Pati pa si Tzuyu?! Ang ayos naman 'non ha!
"Talaga?!" kaming lahat dito.
"Nako, oo." patango tango na sambit ni Kuya habang natatawa.
"Aish! Kalimutan mo nalang nga yun! Hindi ko naman alam yun eh!" parang naiirita na sambit ni Lisa. Hays. Ang ganda niya talaga.
"Teka teka teka.. Kuya! Sino ba siya? Nakakacurious eh." nagtatakang tanong ni Momo sa kanya.
Pinagmasdan lang naman namin si Kuya na unting unti lumalapit sa babae at hinarap niya kami, "She's Lisa. Tsaka.. hindi ko pala naisasabi sa inyo na.. nililigawan ko siya.. matagal na." nakangiting sambit niya sa amin.
Tapos nanlaki naman ang mata namin. May nililigawan na pala si Kuya?! At siya yun?! Wow naman ah! Nakakapanibago!
"ANO?!" kaming lahat dito.
Natawa naman si Kuya, "Ssshhhh.. oo nga. Oo nga. Nililigawan ko nga siya. Yan, alam niyo na. Sorry eh di ko nakwento sa inyo." natatawang sambit niya. Wah, grabe. Nakakagulat naman 'non.
Pero maya maya napapangiti nalang kaming lahat dito.
"Naks naman Hyung oh!"
"Di ka man lang nagkwento sa amin hyung!"
"Support tayo dyan!"
"Yiiieeee!"
"Sabi mo Kuya eh wala ka pang time!"
"Sana sagutin ka niya!"
"Ang ganda naman niya!"
"Bagay kayo sa isa't isa!"
"Swerte ka na dyan kay Hyung ha!"
Nakita naman namin na napangiti yung Lisa, "Thank you for the support, guys. Nice to meet yall." nakangiting sambit niya sa amin at ningitian lang naman namin siya. Pero may naaalala ako.
"Ah, kuya? Invited ba kaming lahat sa kasalan dito? Eh.. sabi daw.. future husband? Eh?" nagtataka kong tanong sa kanya pero natawa lang naman si Kuya.
"Nako! Next time Dahyun! Masyadong nagmamadali 'to si Lisa eh. Pero wag kayong mag-alala, sasabihin ko nang advance, invited kayo sa kasal namin." natatawang sambit niya at napaharap naman siya kay Lisa nang ningisihan niya eto.
BINABASA MO ANG
only friends | tzukook
Fanfiction❝ hanggang kaibigan lang ba talaga ang tingin mo sa akin, jungkook? ❞ 多 ONLY FRIENDS // tzukook fanfic ♡ bangtwice stand alone story | completed ➳ @doieruto <3