n i n e t e e n

510 36 3
                                        

Tzuyu's POV

-🔍-

[Time Check: 1:25 P.M.]

Nandito ako ngayon sa sala with kuya Sehun. Binabasa ko ngayon yung binili kong book. Nakahiga pa ako sa sofa. HAHAHAHA. Medyo pagod kaya ako.

Habang nagbabasa ako dito.. papababa si Mama galing sa labas tapos tumabi siya sa akin.

"Oh ano nak, matutuloy ba bukas kayo nina Nayeon magpapaenroll sa St. Claire?" tanong ni Mama.

"Ah opo ma, matutuloy po kami bukas nina Nayeon." sagot ko habang nasa libro pa din ang atensyon ko.

"Eh.. sino maghahatid sa inyo bukas doon?" tanong ni kuya Sehun na sobrang busy sa kakakain ng binigay kong sweets sa kanya -.- daig niya pa ako e.

"Si Chaeyoung, hahaha. Kotse niya ginagamit namin." sagot ko.

"Ako nalang kaya maghahatid sa inyo bukas sa St. Claire, Tzuyu? Ako lang magdridrive ng kotse ni Chaeyoung." prisinta ni kuya tapos natawa lang ako sa sinabi niya.

"Weh? Di nga? Baka gusto mo lang talaga hiramin yung kotse ni Chae eh kaskasero ka pa naman." sabi ko tapos nanlaki lamang mata niya. tapos natawa na naman ako.

"HA? Grabe ka naman, Tzuyu. Pero seryoso talaga ako. Ako magdridrive bukas. Matagal ko na din hindi nakikita sina Chae." sambit niya.

"Aba sige! Sabihan ko siya mamaya sa chat, magpapaalam ako!" sambit ko tapos etong si kuya grabe makangiti. Sus, adik kasi sa kotse -.- "Tsaka miss ka na daw nina Momo, matagal na kayo di nagkikita. Tapos matagal mo na din di sila nililibre ng bubble tea."

Napakamot naman siya sa batok niya. "Hays. Oo nga pala 'no? Baka bukas malibre ko sila sa St. Claire bukas." sambit niya habang binubuksan na naman yung candy. Panghuling candy na yan. Tignan natin kung makakahingi pa siya. Konti pa lang nga nakakain ko e XD

"Aba sige. Mukhang excited ka na ah, di pa nga ako nagpapaalam kina Chae eh. Excited sa kotse!" asar ko.

"HA? hinde ah. Pero parang oo. HAHAHAHAHAHA." muntanga na sambit ni kuya Sehun.

"Sige Sehun, pag ikaw talaga ang hahatid sa kanila sa St. Claire, ingat ingatan mo yung kotse at pagmamaneho. Imbes na papatakbuhin mo lang, baka naging eroplano na. Halos mapalipad mo na e." saway ni mama kay kuya Sehun at napapakamot lamang si kuya sa ulo niya. tapos ako tinatawanan lang siya.

"Oo na ma, grabe na ba ako makamaneho ng kotse?" aba, nagtanong :)

"Oo. At pasalamat ka talaga di mo pa nakukuha parte mo sa kalokohan mong pagmamaneho." sambit ni mama.

"Bahala siyang maaksidente dyan. Tigas ng ulo niyan eh." angal ko.

"HAYS oo, pagkaisahan niyo talaga ako mama, Tzuyu." parang nagtatampo na naman na sambit ni kuya.

"HAHAHAHA. bingit talaga." asar ko.

"Para kang maliit na bata, Sehun. Nagbibiro lang nga kami eh." sambit ni Mama tapos nilapitan niya si kuya tapos niyakap yakap pa.

"Kinakalaban niyo kase ako eh." sambit niya at pilit bumitaw sa yakap ni mama. Ang arte naman! Sus! Pero kilig na kilig naman yan sa kalooban.

bumitaw naman si mama sa pagkayakap kay kuya at natawa lamang. "Sige.. may aasikasuhin lang ako sa kwarto." sambit ni mama at tumango lang kami.

"ah kuya.. kelan ka babalik sa east high? kelan pasok mo?" tanong ko kay kuya.

"sa monday na. haha. so ayon nga, mamimiss mo naman ako." biro niya.

only friends | tzukookTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon