TZUYU
Nakarating naman agad kami sa bahay ni Kuya Sehun kasama na si Lisa unnie. Sinabi naman agad sa amin ng maid na saglit naman daw umalis si Mama at babalik din naman daw siya maya maya.
Pumasok kami agad sa pamamahay namin. Tsaka agad naman napaupo kami sa sala.
"Lisa.. dito ka nalang muna ha? May pag-uusapan lang kami ni Tzuyu." paalala sa kanya ni Kuya at ngumiti lang naman si Lisa unnie.
Pagkatapos, hinila ako ni Kuya papunta sa kwarto ko. Tsaka niya sinara yung pintuan tsaka niya ako hinarap sa kanya at tinitignan lang naman ako napakaseryoso.
"Bakit kasi hindi ka nakinig sa akin Tzuyu? Sinabi ko naman sayo yan di'ba? Ayan tuloy. Nahulog ka na sa kanya." sabi niya sa akin. "Dyan ka mapapahamak sa daan daan na yan kaya eto ngayon.. nasasaktan ka ng sobra sa kanila. Sana nakinig ka nalang sa akin nang hindi ka magkakaganito. Nahihirapan ka na talaga eh."
Dahil sa sinabi niya,nagsimula na namang tumulo ang mga luha ko. Masyado na talagang masakit eh. Parang hindi ko na kakayanin. Wala na akong magawa kundi yinakap ko nalang ng mahigpit si Kuya. Tsaka niya din ako yinakap ng pabalik.
"K-Kuya.. alam ko namang kasalanan ko naman 'to lahat lahat eh. Kung di ko siya tinulungan. Sana, hindi naman ako magkakaganito eh. Sana hindi ako nagkagusto sa kanya." naiiyak kong sambit habang nakayakap pa din sa kanya.
"Hindi mo kasalanan. Wala kang kasalanan. Nahulog ka dahil pinili siya ng puso mo. Di mo din naman mapipigilan ang sarili mo eh."
"K-Kuya.. pero ang sakit sakit eh." sabi ko.
Hiniwalay niya naman ako sa kanya, "Alam kong sobrang sakit ng pinagdadaanan mo Tzuyu. Sorry na yung di ko agad napansin yan sa'yo. Naniwala pa ako sa mga palusot mo. Sorry talaga."
"Wag ka ngang mema dyan Kuya. Wala kang kasalanan." pinilit kong tumawa sa harapan niya.
"Pero Tzuyu, pinapaalala kita.. sabihin mo 'to sa kanya. Sabihin mo mismo sa kanya na gusto mo siya." nanlaki naman ang mata ko sa sinabi ni Kuya.
"Hindi Kuya! Gumagawa lang ako ng gulo eh! Ayaw ko na! Okay lang na masaktan ako! Masaya ako sa kanilang dalawa! Ayaw ko pang malaman niya dahil mukha wala na siyang pakialam sa akin! Kung alam mo lang Kuya, di na siya sumasama samin kina Jimin. Dahil nagkakagalitan sila sa isa't isa ng malaman nila na ginawa akong daan ni Jungkook." naiiyak kong sambit. "Kaya hindi ko 'to ipapaalam sa kanya, Kuya."
"Naiintidihan naman kita, Tzuyu eh. Pero dapat kailangan niyang malaman ang totoo dahil awang awa na ako sayo. Ayokong masaktan ka. Baka may posibilidad pa na magbago yung feelings ni Jungkook through Yeri. Wala lang siyang alam pero baka makapag-isip din siya kung sasabihin mo yun. Baka may chance ka pa sa kanya, Tzuyu. Trust me." sambit sa akin ni Kuya at mukha naman akong natahimik.
Tama nga bang sabihin ko 'tong lahat kay Jungkook? Paano kung mas lalo akong masasaktan? Nagmumukha lang yata akong desperada kung ganon eh.
Pero wala namang masama kung susubukan eh. Kaya sige. Kahit nasasaktan, susubukan nalang sabihin sa kanya.
"S-salamat Kuya. Sige. Maghahanap ako ng tamang oras. Tsaka makipagkita sa kanya ng maamin ko din sa kanya na gusto ko siya." sambit ko at pinunasan lamang ang mga luha ko at ningitian lang siya.
"That's good. Stop crying na and be okay. Mamaya eh mahuhuli ka ni Mama dito eh." nakangiting sambit ni Kuya. "Malalagpasan mo din ang lahat ng 'to Tzuyu. Nandito lang ako."
"Thank you talaga Kuya." nakangiti kong sambit sa kanya.
"Wala yun. Kapatid kita eh." nakangiti niyang sambit.
"Tara na sa baba Kuya. Baka naiinip na doon si Lisa unnie." natatawa kong sambit at tinanguan niya lang naman ako.
Bumaba naman kami sa sala at tsaka sobrang nagandahan talaga si Lisa unnie sa bahay namin kasi malaki daw. Nasa sala lang naman kaming tatlo, nag-uusap lang ng kung ano ano. Tsaka dumating din si Mama. Then agad agad naman pinakilala ni Kuya Sehun si Lisa unnie. Mukhang kabado si Unnie. Pero tama nga ang ineexpect ko. Sobrang nagustuhan siya ni Mama dahil ang ganda daw at ang bait. Tapos mas natuwa pa siya ng sobra ng nalaman niyang nililigawan na yun ni Kuya. Pagkatapos non, matagal din ng nanatili dito si Lisa unnie at naabutan din siya ng gabi. Dito na din siya kumain sa amin, at sobrang awa na awa kami eh nagcommute nalang siya pauwi sa kanilang bahay. Pinipilit talaga namin na samahan nalang namin siya pero okay nalang din daw na siya mag-isa at kaya niya lang naman daw mag-isa.
Pagkatapos, nandito lang naman kami sa sala. Kasama si Mama at Kuya.
"Teka Tzuyu ko, may napapansin ako sayo kanina pa." nagtatakang sambit ni Mama at kinabahan naman ako bigla doon. Tsaka napatingin naman ako kay Kuya na nakatingin na din sa akin.
"Ano naman yun Ma?"
"Umiyak ka ba? Ang mugto ng mata mo eh." nanlaki naman ang mata ko doon. Oh god! Napansin ni Mama. Paano na 'to?
Mukhang di ako nakasagot agad sa tanong ni Mama. Pero pasalamat nalang ako na sinagot yun ni Kuya.
"Ah kasi ma, umiyak yan kanina sa sinehan. Grabe kasi yung movie, nakakaiyak. Parang maiiyak nga din ako eh." Kuya Sehun.
"Ganon nga Ma." natatawa kong sambit.
"Ah ganon pala." patango tango na sambit ni Mama.
Napaharap naman ako kay Kuya Sehun at ningitian ko lang naman siya. Pero maya maya, binahala nalang namin ang sarili namin na manood sa tv.
Sorry Ma, di pa ako ready na malaman mo na may ipagdadaanan ako eh.. yung nagkakagusto ako at nasasaktan... kay Jungkook.
一
hmmpp sorry short update! babawi po ako next time! ❤ thank you pala sa 15k reads!
BINABASA MO ANG
only friends | tzukook
Fanfiction❝ hanggang kaibigan lang ba talaga ang tingin mo sa akin, jungkook? ❞ 多 ONLY FRIENDS // tzukook fanfic ♡ bangtwice stand alone story | completed ➳ @doieruto <3
